Friday, June 03, 2005

 

Headlines: GMA's Rating Plunges Anew, Palace Blamed on Jueteng Demo, Reyster Langit Dies

1---popularity rating ni pangulong arroyo…lalu pang sumadsad; isinisi ng malakanyang sa oil price hike at e-vat

Ayon kay pres'l. Spokesman ignacio bunye, matagal nang inaasahan ng pangulo ang pagsadsad ng kanyang rating dahil sa mga isinusulong ng palasyo na bagong tax measures.

Reaksyon ito ng malakanyang sa resulta ng latest survey ng social weather station na nagsabing 3 sa bawat 5 pinoy ay dismayado sa pamamahala ng pangulo.

Ang negative 33 percent rating na gradong nakuha ni pangulong arroyo ang maituturing na pinakamababang marka sa lahat ng mga naupong pangulo ng bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni bunye na hindi umano makahahadlang sa pangulo ang bagsak na performance rating nito upang ipatupad ang economic reform agenda ng malakanyang.

Bukod sa mga bagong tax measure, isinisi rin ng malakanyang sa serye ng oil price hike ang pagbulusok ng performance rating ni pang. Arroyo.

Samantala, isinisi rin ng ilang kritiko ni pangulong arroyo sa eskandalo ng kanyang mag-aama sa jueteng scandal ang pagbagsak ng popularidad nito.


2---demolition job laban sa mga jueteng witness…isinisi sa malakanyang

Inakusahan ni sen. Nene pimentel si nbi dir. Reynaldo wycoco na nasa likod ng demolition job na ginagawa ng malakanyang laban sa mga jueteng witness.

Sa panayam ng dzrh, sinabi ni pimentel na gustong guluhin ng nbi ang imbestigasyon sa jueteng kaya 'inilantad' ang dalawang testigong kumukuwestyon sa kredilibidad ni wilfredo mayor.

Kahapon, tahasang binanggit nina rizalino serilla at nante bodino na binayaran lang si mayor ng 5 milyong piso para idawit sa jueteng ang first family.

Ibinulgar rin nila na hindi jueteng operator si mayor kundi isang 'fixer' gaya nila at walang alam kung sinu-sino ang tumatanggap ng jueteng payola.


3---10 pisong umento sa suweldo…ipinag-utos ng wage board ng calabarzon; 15 pesos naman sa cagayan valley region

Naglabas na ng desisyon ang mga regional wage board sa calabarzon at cagayan valley region para taasan ang suweldo ng mga manggagawa sa naturang mga rehiyon.

Ipinag-utos ng calabarzon wage board simula june 16 ang taas sa suweldo ng mga pribadong manggagawa doon ng 10 piso bawat araw.

15 pesos naman ang ipinag-utos na umento sa suweldo ngunit dagdag sa cost of living allowance ng mga manggagawa sa cagayan valley region.

May hiwalay na desisyon naman ang calabarzon wage board na taas ang suweldo ng mga manggagawa sa mga partikular na lugar sa rehiyon.

Simula enero taong 2006, ang mga manggagawa sa extended metropolitan area ay merong 12 pesos per day na umento, 7 pesos naman sa growth corridor area, 5 pesos sa emerging growth area at 3 pesos sa resource based area.


4---mungkahing sa buwan ng setyembre ang pasukan….muling binuhay sa kongreso

Muling binuhay sa kamara ang panukalang pagpapalit ng panahon ng pasukan sa mga paaralan.

Ayon kay quezon city rep. Mary ann susano, mas mainam na gawing tuwing setyembre ang pagbubukas ng klase sa halip na hunyo na pagsisimula rin ng panahon ng tag-ulan.

Bukod sa nadidiskaril ang pag-aaral ng mga bata, nahihirapan din umano ang mga sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Inendorso ni susano ang paglilipat ng petsa ng pasukan sa setyembre kaysa sa hunyo kung kailan sunod-sunod umano ang dumarating sa bansa.

5.---Reyster Langit, pumanaw na sa sakit na Malaria

Pumanaw na sa sakit na 'cerebral malaria' si reyster langit, panganay na anak ng brodkaster na si rey langit.

Binawian ng buhay si reyster langit, 33, sa st. Vincent hospital sa los angeles, california, dakong pasado alas dos ng madaling araw, oras sa pilipinas.

Kinumpirma ni rey langit sa dzrh na bumigay na rin ang kanyang anak matapos ang ilang araw na pakikipaglaban kay kamatayan.

Naunang namatay ang kasama niyang cameraman at dating correspondent ng dzrh na si christian macadaeg na dinapuan din ng cerebral malaria habang nagsasaliksik sa rizal, palawan.

Ayon kay langit, hindi niya inaasahang mamamaalam din ang anak dahil sa tingin niya ay nakarekober na ito matapos masalinan ng dugo.

Bakas sa boses ni rey ang labis na kalungkutan at panghihinayang sa pagkamatay ng anak na inilarawan niyang mapagbigay, idealistic at mabait.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?