Friday, July 22, 2005

 

Headline: RAM, YOU Joins Forces, Lacson's

RADYO HATAW HEADLINES/JULY 22, 2005


1--- RAM AT YOU…POSIBLE DAW MAGSANIB PWERSA; BANTANG PAG-AAKLAS LABAN SA GOBYERNO….MINALIIT NG AFP

POSIBLENG MAGSANIB-PWERSA ANG RAM AT YOUNG OFFICERS UNION SAKALING MANGINGIBABAW ANG HANAY NG MAKAKALIWA SA KASALUKUYANG TENSYON SA PULITIKA.

SINABI NI RAM SPOKESMAN RET. CAPT. PROSESO MALIGALIG NA MAPIPILITAN SILANG MAKIPAGTULUNGAN SA Y-O-U KUNG MAMAYANI ANG PWERSA NG MAKAKALIWA.

HINDI UMANO NILA LAYONG MAGBANTA NG PANIBAGONG KAGULUHAN, SA HALIP NAIS LAMANG UMANO NILANG ILIGTAS ANG REPUBLIKA NG BANSA.

DAHIL DITO, TINUKOY NI MALIGALIG NA MAS MAINAM KUNG MARERESULBA NA SA MADALING PANAHON ANG PROBLEMA SA PULITIKA UPANG MAIWASAN ANG ANUMANG KAGULUHAN.

SAMANTALA, 'BOGUS' O PEKE ANG IPINAKALAT KAGABI NA STATEMENT NG YOUNG OFFICERS UNION O YOU.

AYON KAY ARMED FORCES SPOKESMAN BUENAVENTURA PASCUAL, KINAUSAP NILA ANG ILAN SA DATING MIYEMBRO NG GRUPO NA NASA LIKOD NG SUNOD-SUNOD NA KUDETA NOONG PANAHON NI DATING PANGULONG CORAZON AQUINO AT ITINATANGGI NG MGA ITO ANG PAKIKIBAHAGI SA KUMALAT NA STATEMENT KAGABI.

IGINIIT PA NI PASCUAL NA TAONG 1995 NG LUMAGDA SA PEACE AGREEMENT ANG Y-O-U SA PAMAHALAAN KUNG SAAN PORMAL NANG NABUWAG ANG ORGANISASYON.

2---SARILING SONA NI LACSON…NATUON SA KATIWALIAN, PROBLEMA SA KALUSUGAN AT MALAKING UTANG NG BANSA

SA ISANG PRESS CONFERENCE SA MANILA HOTEL, UMIKOT ANG S-O-N-A NI LACSON SA KAHIRAPAN, KATIWALIAN, PROBLEMA SA KALUSUGAN AT LUMOLOBONG PAMBANSANG UTANG.

BINANGGIT NI LACSON NA LALONG TUMINDI SA PANAHON NI GMA ANG PROBLEMA SA KAHIRAPAN AT TUMAAS NG HUSTO ANG DAMI NG NAGUGUTOM.

SA BUONG PANAHON DIN UMANO NG PANUNUNUNGKULAN NI GMA AY TUMAAS NG HUSTO ANG PAMBANSANG UTANG NA NGAYON AY NASA MAHIGIT ANIM NA TRILYONG PISO NA, AT MAHIGIT KALAHATI NG NAT'L. BUDGET AY IPINAMBAYAD LANG SA FOREIGN DEBT.

HINDI RIN PINALAMPAS NI LACSON ANG KALIWA'T-KANANG KATIWALIAN SA ILALIM NG PAMUMUNO NI GMA.


3---SUHULAN PARA MAPIGIL ANG IMPEACHMENT LABAN KAY GMA…NABUNYAG

SINISIKAP UMANO NG PALASYO NA HUWAG MAKA-"FIRST BASE" SA KONGRESO ANG IMPEACHMENT CASE LABAN KAY PANG. ARROYO.

SA KANYANG SARILING STATE-OF-THE-NATION-ADDRESS, SINABI NI SEN. PANFILO LACSON NA 'GUMAGAPANG' NA ANG MGA KAALYADO NG PANGULO SA KAMARA PARA WALANG SUMUPORTA SA OPOSISYON.

BINANGGIT NI LACSON NA BATAY SA IMPORMASYON NI MAKATI REP. AGAPITO 'BUTZ' AQUINO, MALAKING HALAGA UMANO NG SUHOL ANG ALOK NG PALASYO SA MGA KONGRESISTA PARA HUWAG SUPORTAHAN ANG REKLAMONG IHAHAIN NG OPOSISYON.

ILANG ULIT NANG ITINANGGI NG MALAKANYANG ANG ALEGASYONG ITO SA PAGSASABING SI PANG. ARROYO PA MISMO ANG NAGBIGAY NG 'GO-SIGNAL' NA IPAGHARAP ANG PANGULO NG IMPEACHMENT COMPLAINT.

SAMANTALA, 'NAGPATALBUGAN' NG PRESS CONFERENCE SI SEN. PANFILO LACSON AT ANG MORTAL NIYANG KAAWAY NA SI MARY ROSE ONG ALYAS ROSEBUD.

MAGKASABAY NA GINANAP ANG PRESCON NI LACSON AT ROSEBUD SA MAGKAHIWALAY NA LUGAR SA MANILA HOTEL KANINANG UMAGA.

'IBINUGA' NA NI LACSON ANG SA PANANAW NIYA AY TUNAY NA STATE-OF-THE-NATION BILANG ISA SA MGA LIDER NG OPOSISYON.

SA KABILANG DAKO, INILUNSAD NAMAN NI MARY ROSE ONG ANG 'BE VERY AFRAID' NA KAMPANYA LABAN KAY LACSON.

NAGKAROON DIN NG ANG GRUPO NI ROSEBUD NG PAGSASADULA NG KURATONG BALELENG RUBOUT SA LABAS NG MANILA HOTEL PARA IPA-ALALA UMANO SA PUBLIKO ANG MGA KASALANAN NI LACSON.

4---AMA…PINATAY NG SARILING ANAK
ISANG AMA ANG NAPATAY NG KANYANG ANAK MATAPOS MAAKTUHANG BINUBUGBOG ANG KANYANG INA.

PATAY ON-THE-SPOT ANG BIKTIMANG SI DOMINADOR ESPINA, 47, MATAPOS BARILIN NG ANAK NIYANG SI DOMINGO ESPINA, 15, SA KANILANG BAHAY SA BRGY. ALMANZA 1, LAS PINAS CITY.

AYON KAY PO3 JOEL CAMBE NG LAS PINAS POLICE, NAKITA NI DOMINGO ANG KANYANG AMA SA AKTONG GINUGULPI AT SINASAKAL ANG KANYANG INA.

KINUHA UMANO NI DOMINGO ANG ISANG PALTIK NA BARIL AT PINAPUTUKAN ANG AMA NA NAGING DAHILAN NG PAGKAMATAY NITO.

Monday, July 18, 2005

 
Radyo hataw headlines/july 18, 2005


1---Transport Groups….Nagbantang Maglulunsad Ng Transport Strike
Nagbanta ang piston ng panibagong tigil-pasada bunsod ng panibagong serye ng pagtataas ng presyo ng langis.
Sinabi ni piston chairman mar garvida na una nilang ikakasa ang noise barrage laban sa mga oil company sa miyerkoles.
Tinukoy ni garvida na nagiging inutil na ang gobyerno gayundin ang consumer oil price watch sa harap ng sunud-sunod na dagdag-presyo sa krudo.
Hindi rin kumbinsido si garvida sa dahilan ng mga oil players na sumusunod lang sila sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market na umano'y isang gimmick lamang.
Sa halip, ibinunyag nito ang umano'y kasunduan ng oil producing countries at ng mga lokal na kumpanya ng langis na hindi sila magtataas ng presyo sa loob ng limang taon.



2---Second Wave Ng Cabinet Resignation…..Hindi Raw Totoo – Ayon Sa Palasyo
Minaliit ng palasyo ng malacanang ang kumakalat na balitang meron pang susunod na sigwada ang maramihang pagbibitiw sa opisyal na pamilya ng pangulong gma.
Ayon kay presidential spokesman ignacio bunye, haka-haka lang ang mga kumakalat na impormasyon kaugnay sa ikalawang bugso ng maramihang pagliban ng gabinete sa pamahalaang arroyo.
Sinabi pa ni bunye, nakausap niya ang ilan sa miyembro ng gabinete at kampante umano siya na hindi magbibitiw ang mga ito batay sa mga pahayag na binitiwan sa pakikipag-usap.
Ginawa ni bunye ang pahayag matapos magbitiw ngayong araw ang dalawa pa sa gabinete ng pangulo, kasunod ang pagbitiw rin kahapon ni communications dir. Silvestre afable.








3---Sona Ni Pangulong Gma Sa Lunes…Pinaghahandaan Na
Naghahanda na ang malakanyang at ibang grupo sa nakatakdang state of the nation address ni pangulong arroyo sa lunes.
Kasabay nito, sinimulan na ng oposisyon at militanteng grupo ang countdown sa nalalapit na sona ni gma.
Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng mga nasabing grupo ang panibagong kilos-protesta na ikakasa sa hulyo 25.
Target ng mga nasabing grupo na doblehin ang bilang ng mga ralyistang nakiisa sa malaking pagkilos na inilunsad noong hulyo 13 sa ayala avenue, makati.
Maging ang hanay ng pulisya ay naghahanda na rin sa naturang okasyon lalu na at magsasagawa ng kilos-protesta ang ibat-ibang grupo.
Umapela naman ang bayan sa afp at pnp na huwag na nitong harangin ang mga pwersa na magmumula sa iba't ibang probinsya na nais sumuporta sa gagawing pagkilos.

4---80 Katao….Biktima Ng Galunggong Na “Cory” Sa Maguindanao
Mahigit kumulang sa 80 katao ang umano'y bahagyang nalason sa pag-kain ng isdang binasagang 'cory' sa lalawigan ng maguindanao.
Nalason ang mga residente sa north upi, maguindanao, matapos kumain ng isadang 'lupoy' na kahawig ng galunggong noong sabado.
Isinugod sa north upi district hospital ang humigit kumulang 80 residenteng 'highlander' matapos makaramdam ng matinding pananakit ng tyan, pagkahilo at pagsusuka.
Wala namang namatay sa 'food poisoning' na hinihinalang dahilan sa mataas na antas ng kemikal na taglay ng isdang lupoy.
Sinabi ni joven areste, residente sa north upi, na karamihan sa mga 'nadale' ng food poisoning ay mga taga-north upi na nakatira sa mataas na lugar.Samantala, iniimbestigahan na ng mga medical experts ang naturang isda upang matukoy kung anu ang naging sanhi ng pagkalason.

Friday, July 15, 2005

 

Headlines:Estradas Ready to Resign; GMA's Impeachment Helps Economy; Throng of People Visit DZRH; More Cabinet Members to Resign

Radyo hataw headlines/july 15, 2005


1---Mga Estrada…..Mag-Re-Resign Daw Kung Totoo Ang X-Tapes Scandal Ni Dating Pangulong Erap
Handang 'isuko' ng mga estrada ang kanilang kasalukuyang posisyon sa gobyerno kapag napatunayang 'authentic' ang tape na hawak ni ilocos sur gov. Chavit singson.
Ito ang hamon ni sen. Loi estrada sa kampo ni singson kaugnay sa tinaguriang x-tapes na inilantad nito kahapon.
Nakapaloob sa naturang x-tapes ang wiretap conversation ni dating pangulong joseph estrada at dating afp chief of staff joselin nazareno sa umano'y planong pagpapabagsak kay pangulong arroyo.
Sinabi ng senadora na handang magbitiw sa tungkulin si san juan mayor jv ejercito sakaling mapatunayang may basehan ang mga alegasyon ni chavit.
'Hihimukin' din umano niya ang anak na si senador jinggoy estrada na magbitiw sa pagiging senador.



2---Impeachment Complaint Laban Kay Gma….Makatutulong Daw Sa Ekonomiya – Ayon Sa Palasyo
Sinabi ni pres'l ignacio bunye na higit na makakabuti sa imahe ng pilipinas kung susunod ang oposisyon sa proseso ng konstitusyon.
Ipinagmalaki ni bunye ang nangyaring pagtaas ng piso at pag-akyat ng trading sa merkado na patunay lamang umano na hindi naapektuhan ng mga kilos-protesta ang ekonomiya ng bansa.
Higit rin umanong makapagpapakita ng political stability sa bansa kung tuluyan ng maipapatupad ang e-vat law.
Dahil dito, hindi rin naiwasan ni bunye na sisihin ang oposisyon sa ginawang pagharang sa implementasyon ng e-vat na umano'y malaki ang maitutulong sa pagbawi ng ekonomiya.









3---Dzrh…..Dinagsa Ng Daan Daang Katao Dahil Sa Medical, Dental At Optical Mission
Isang engrandeng medical-dental-optic mission ang idinaos ng dzrh bilang pasasalamat sa ika-66 taong anibersaryo nito sa serbisyo publiko at impormasyon.
Nilahukan ito ng iba't-ibang medical team mula sa pampubliko at pribadong sektor.
Daan-daang katao ang nakinabang sa libreng konsultasyon, libreng salamin sa mata at gamot , bunot ng ngipin maging ang vasectomy para sa mga kalalakihan.
Nagkaroon din ng libreng payong legal para sa mga may katanungan sa kanilang kaso na pinangasiwaan ng public attorney's office at ng phil. Air force.
Idinaos din ang jobs fair para sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng malaki.
Handog-pasasalamat ito ng dzrh sa publiko sa walang sawang pagsuporta sa numero unong istasyon ng radyo
Sa pilipinas na naging bahagi na ng kasaysayan.



4---Nag-Resign Na Miyembro Ng Gabinete Ni Pangulong Gma….Madadagdagan Pa Daw
Marami pa umanong miyembro ng gabinete ni pang. Arroyo ang magbibitiw sa puwesto.
Sinabi ni dating pres'l. Adviser for peace process teresita deles na tiyak na may mga miyembro pa ng gabinete na susunod sa ginawa nilang pagbibitiw.
Kasama si deles sa tinaguriang 'hyatt 10', ang pitong cabinet member ta tatlong pres'l. Appointee na kumalas kay gma matapos lumutang ang 'hello garci cd'.
Tinukoy ni deles na marami sa mga miyembro ng gabinete ang nagdududa na rin sa krediblidad at kakayanan ni gma na mamuno ng maayos.
Ginawa ni deles ang pahayag sa isang press conference sa harap ng foreign correspondents assn. Of the phils.

Thursday, July 14, 2005

 

Headlines: GMA Survives "Storm"; Miriam Blasts FVR; RP Appeals to WB; Broadcaster's Killer Nabbed

Radyo Hataw Headlines/July 14, 2005


1---Pangulong Arroyo…Nakalampas Na Umano Sa Matinding Pressure Na Siya Pababain Sa Puwesto
nalampasan na umano ni pangulong gloria macapagal arroyo ang pinakamatinding dagok sa serye ng kampanya sa pagpapababa sa pwesto.

ayon sa economic analyst na si victo abola ng university of asia and the pacific, hindi umano nayanig ang malacañang kahapon.

hindi umano nakuhang makapaglabas ng oposisyon ng 50 libong kataong ipinangakong dadalhin sa ayala, makati at malabo rin na makisali ang militar sa mga hakbang sa pagpapatalsik sa pangulo.

gayunman, naniniwala si robert ocampo, pangulo ng asian institute of management na hindi sa rally kahapon matatapos ang hakbang ng oposisyon.

magpapatuloy umano ito at hindi madadagdagan ang bilang ng mga sumasama sa rally.

sa sabado, isang malawakang kilos protesta ang itatapat ng mga kaalyado ng pangulo upang ipakita sa publiko ang pananatili ng kumpiyansa ng marami sa pamahalaan.

2---Dating Pangulong Ramos…Nakatikim Ng Banat Kay Senador Miriam Santiago
hindi rin napigilan ni sen. miriam santiago na banatan si dating pang. fidel ramos sa mungkahi nitong palitan ng parliamentary gov't ang kasalukuyang pres'l system.

sinabi ni santiago na hindi mainam ang sistemang parliamentaryo sa magulong sitwasyon ng pulitika sa bansa.

tinukoy nito na sa ilalim ng parliamentaryo ay mas madaling magpatalsik ng pinuno ng gobyerno.

dahil dito, nililihis lamang umano ni ramos ang publiko sa pagsasabing ang pagtatayo ng parliyamentaryong gobyerno ang solusyon sa magulong pulitika at ekonomiya ng bansa.

3---Pilipinas….Hihirit Sa World Bank Para Gumaan Ang Pagkakautang
may bagong mungkahi ang pilipinas sa world bank kaugnay sa mga utang panlabas ng bansa.

nauna rito, tinanggihan ng world bank ang kahilingan ng pilipinas para sa 'debt relief' at idineklarang hindi kwalipikado rito ang bansa.

sinabi ni foreign affairs sec. alberto romulo na hihingin na lamang ng malakanyang ang 'development debt scheme' para sa kalikasan, edukasyon, patubig at para sa kabataan.

umaasa si romulo na papasa na sa world bank ang bagong kahilingan ng palasyo para mabawasan ang malaking utang panlabas ng bansa.

4---Suspek Sa Pagpatay Sa Isang Brodkaster….Nasakote

naaresto ng mga pulis sa general santos city ang suspect sa pagpatay kay radio mindanao network anchorman dodong morales.

dinampot sa kanyang bahay si vicente yonggo jr. matapos iturong pangunahing suspek sa pagpatay kay morales kamakailan.

nakakuha rin ang mga police investigators ng granada, limang magazine ng m-16 riffle at iba pang armas sa bahay ni yongco.

Tuesday, July 12, 2005

 

Headlines: Anti-GMA Groups Ready for a Big Rally; PNP Declares Full Alert; Palace Favors Change of Govt.; Mental Patient EScapes

Radyo hataw headlines/july 12, 2005

1---Rally Dito, Rally Doon…..Mga Magrarally Para Bukas….Hinarang

Kabi-kabilang lighting rally ang inilunsad ng mga militanteng grupo ngayong araw bilang protesta laban sa patuloy na pamumuno ni pang. Arroyo.

Pinangunahan ng mga estudyante sa university of the pihlippines ang candle lighting protest sa sunken garden grandstand na dadaluhan ng mga grupong aklas kabataan, akbayan youth, aksyon kabataan, bisig youth at padayon.

May hiwalay na lighting protest din na ikakasa ang isang grupo ng mga pari, madre at seminaryo sa harap ng lrt station sa katipunan, quezon city mamayang alas-6 ng gabi.

Hinihiling ng mga ito na maliwanagan na si pang. Arroyo at isakripisyo ang kanyang pwesto alang-alang sa bayan.

Samantala, hinarang na ng mga check-point ng militar at pulis ang mga raliyistang nagtangkang pumasok sa metro manila.

Sa report ng radyo natin plaridel, ilang jeepney na may sakay na raliyista ang hindi pinayagang makapasok sa north luzon expressway sa bulacan area.

Dahil dito, naipon ang bulto ng sasakyan ng mga raliyista sa kahabaan ng mac arthur highway sa meycauayan na lumikha naman ng mahabang traffic.

Balak sana ng grupo na makarating sa monumento circle sa caloocan kung saan sila magdaraos ng prayer vigil hanggang bukas.

2----Pnp….Balik Sa Red Alert Status

Muling itinaas ng p-n-p sa red alert ang security status hindi lamang sa metro manila kundi sa buong bansa.

Kaugnay ito ng malaking kilos-protesta ng mga grupong kritiko ni pang. Arroyo, partikular ang multi-sectoral rally ng oposisyon bukas.

Sinabi ni pnp-ncrpo chief gen. Vidal querol na naka-alerto ang pulisya kaugnay sa mga magaganap na rally.

Sakop ng ibinalik na 'red alert status' hindi lamang ang metro manila kundi ang buong bansa, partikular umano ang mga 'urban center'.

Nauna rito, nagbabala si pnp chief dir.-gen. Arturo lomibao na maaaring 'pasukan' ng mga rebeldeng komunistang may masamang balak ang rally ng oposisyon bukas.

Binigyang diin naman ni querol na mahigpit pa ring ipatutupad bukas ang 'no permit, no rally policy'.

3---Panukalang Palitan Ang Sistema Ng Gobyerno….Kinagat Ng Palasyo

Kinagat ng palasyo ang panukalang pagpapalit ng sistema politikal ng gobyerno na panukala ni dating pangulong fidel ramos.

Sa isang pressconference sa palasyo, humarap sina pangulong gma, house speaker jose de venecia at ilang pang opisyal ng pamahalaan.

Inilantad ni de venecia ang kopya ng agreement na nilagdaan kasama ng 17 pangunahing political party sa bansa.

Inamin ni de venecia na matagal na niyang inaadhika ang pagpapalit ng pamahalaan mula sa demokrasya patungo
sa parliamento na lalamanin sa pagbalangkas sa konstitusyon na pangunahing tinalakay sa pagpupulong.

Noong biyernes, biglang sumugod si fvr sa palasyo at inirekumenda ang pagpapalit ng sistema pulitikal ng bansa kungsaan tatayong transition president si gma.

Suhestiyon ito ni fvr sa mga panawagan na bumaba sa pwesto ang pangulo matapos makaladkad ang pangalan sa 'hello garci cd' na naglalaman ng umano'y pandaraya ng pangulo noong nakalipas na eleksyon.

4---Baliw…..Nakatakas…..Nakapatay Sa Bataan

Pinaghahanap ng pinagsanib na pwersa ng provincial international and investigation branch of piap three o'fourth mobile company at bagac municipal police station ang isang nakatakas na mental patient mula sa maribeles mental hospital dahil sa pamamaril ng dalawa katao.

Kinilala ni provincial police director senior police superintendent ang suspect na si reynaldo mendoza, may hustong gulang at nakatira sa baranggay banawang.

Nakikilala naman ang mga biktima na sina noli bendo yankee reyes, tatlumpu't limang taong gulang, binata, magsasaka at jun jun gonzalez, dalampu't walong taong gulang, binata, at walang trabaho, na kapwa nakatira sa naturang baranggay.

Lumilitaw sa initial report ng bagac police na itong dalawang biktima ay nakipaglamay sa kanilang kabaranggay na namatay dakong alas diyes ng gabi nang bigla na lang sumulpot ang suspect na may dalang shotgun at biglang namaril.

Nagtamo ng walong tama ng baril sa likurang bahagi ang biktimang si brendo samantalang si gonzales ay tinamaan ng isang bala sa likod.

Monday, July 11, 2005

 

Headlines: Analyst Fears Political Crisis; Anti-GMA Groups Sets Big Rally; RP Economy Suffers More to Crisis; PNP Clears Alert Stats

Radyo hataw headlines/july 11, 2005

1---Krisis Pulitikal Sa Bansa…Tatagal Pa –Ayon Sa Isang Analyst

Tatagal pa ang kasalukuyang tensyon sa pulitika na dinadanas ng bansa.

Sinabi ni political analyst prof. Tony gatmaitan na magigirian pa ang iba't ibang mga pwersa sa lipunan bago tuluyang matapos ang yugto ng krisis sa pulitika.

Gayunman, masyado pa umanong maaga upang husgahan kung saan hahantong ang panibagong tensyon na bumabalot sa gobyerno.

Tinukoy ni gatmaitan na hindi malayong mauwi din sa kompromiso ang bangayan ng mga pulitiko ngunit kung
magpapakita rin ng pwersa ang taongbayan ay hindi rin malabong mauwi ito sa panibagong people power revolution.

Kung ikukumpara naman umano ang kasalukuyang sitwasyon sa nagdaang edsa i at edsa ii ay kulang pa ang military component upang ganap na pabagsakin sa kapangyarihan si gma.

2---Malaking Anti-Gma Rally…Kasado Na Sa Miyerkoles

Kasado na ang isa pang malaking rally laban sa pang. Arroyo sa miyerkoles, hulyo 13.

Ilulunsad ito ng united opposition at ng grupong bayan at mga maka-kaliwang samahan.

Ayon kay renato reyes, sec.-gen. Ng bagong alyansang makabayan, sisikapin nilang makapag-mobilisa ng may 50 libo katao sa ayala ave. Sa makati sa miyerkoles.

Kasama rin sa rally ang mga tagasuporta ng namayapang aktor na si fernando poe jr. Gayundin ang mga pro-erap.

Kaliwa't-kanan ang mga rally laban sa pangulo kasunod ng nabulgar na 'hello garci cd' ng pangulo at ni comelec commissioner virgilio garcillano.

3---Ekonomiya Ng Pilipinas….Lalung Sasadsad Dahil Sa Krisis Pulitikal

Lalong mababaon sa problema ang ekonomiya ng bansa sa harap ng matinding tensyong-pulitikal.

Ito ang pananaw ni economist winnie monsod na magiging epekto sa ekonomiya ng nangyayaring krisis-pulitikal.

Tinukoy ni monsod na ngayon pa lamang ay nagdadalawang isip na ang mga ang mga potential investor na mamuhunan sa bansa sa pangambang lalala pa ang bangayan ng administrasyon at oposisyon sa mga darating na araw.

Para kay monsod, malabo pang maresolba ang problema sa ekonomiya kahit na magbitiw pa sa puwesto si pang. Arroyo.

4---Alerto Sa Metro Manila….Ibinaba Na Ng Pnp

Nagbaba na ng alert status ang p-n-p sa metro manila simula kaninang umaga.

Sinabi ni pnp-ncrpo chief gen. Vidal querol na ibinalik na nila sa normal na alert status ang metro manila mula nang ilagay ito sa red alert noong biyernes.

Binanggit ni querol na nakatulong ng husto sa paghupa ng tensyong-pulitikal ang pahayag ng catholic bishop's conference of the phils.

Nauna rito, tumanggi ang cbcp na makiisa sa mga panawagang magbitiw na sa puwesto si pang. Arroyo kasunod ng nabulgar na 'hello garci cd'.

Umaasa naman si querol na huhupa na rin ang mga protesta sa lansangan laban sa pangulo kasunod ng pahayag ng cbcp.

Friday, July 08, 2005

 

Headlines: GMA Resign Groups Stage Protest Actions; PNP, AFP On Alert; Resigned Cabinet Members Accused of Conspiracy; Peso Stabilizes, Stocks Up

RADYO HATAW HEADLINES/July 8, 2005


1---GMA RESIGN GROUPS…NAG-LUNSAD NG KANILANG KILOS-PROTESTA
NAGTIPUN-TIPON SA LANSANGAN ANG IBA'T IBANG MILITANTENG GRUPO BILANG REAKSYON SA TUMITINDING PANAWAGAN KAY PANG. ARROYO NA MAGBITIW NA SA PWESTO.
ALAS-DOSE NG TANGHALI KANINA AY NAKAPWESTO NA SA WELCOME ROTONDA ANG MALAKING HANAY NG BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, ANAKBAYAN, COURAGE AT ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS.
MAGSASAGAWA NAMAN NG NOISE BARRAGE SA BAHAGI NG TIMOG AVENUE SA EDSA ANG GRUPO NG LABAN NG MASA NA BINUBUO NG IBA'T IBANG GRUPO MULA SA SANLAKAS, PARTIDO NG MANGGAGAWA, SAMAHANG DEMOKRATIKO NG KABATAAN, KAMPI AT KONGRESO NG MARALITANG TAGAL-LUNGSOD.
MAY HIWALAY NA KILOS-PROTESTA RIN NA ISINASAGAWA ANG GRUPO NG LUMABAN KA AT YOUTH DARE SA BAHAGI NAMAN NG PEOPLE'S POWER MONUMENT.
SINABI NI RENATO REYES, TAGAPAGSALITA NG BAYAN, NA SIMULA NA ITO NG ARWA-ARAW NA PAGKILOS UPANG PABABAIN SA PWESTO SI PANG. ARROYO.


2---PNP….FULL ALERT SA METRO MANILA; AFP…WHITE ALERT SA BUONG BANSA
ITINAAS SA FULL ALERT ANG ALERT STATUS NG BUONG PWERSA NG PHIL. NAT'L POLICE.
KASUNOD ITO NG MASS RESIGNATION SA GABINETE NI PANGULONG ARROYO NA LALONG NAGPAINIT SA KALAGAYAN NG PULITIKA SA BANSA.
INATASAN NI PHIL. NAT'L POLICE CHIEF GEN. ARTURO LOMIBAO NA MAGDEPLOY NG KARAGDAGANG PULIS SA MGA KRITIKAL NA LUGAR SA METRO MANILA.
KABILANG DITO ANG PALIGID NG PALASYO NG MALAKANYANG AT MGA LUGAR NA MADALAS PAGDAUSAN NG MGA KILOS-PROTESTA GAYA NG LIWASANG BONIFACIO AT WELCOME ROTONDA SA MAYNILA.
ITO AY BILANG PAGHAHANDA SA MGA SERYE NG PAGKILOS NG MGA MILITANTENG GRUPO LABAN SA PAMAHALAANG ARROYO.
TINIYAK NAMAN NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, NA NAKA-ANTABAY ANG KANILANG PWERSA SA BUONG BANSA KAUGNAY NG POSIBLENG KAGULUHAN BUNSOD NG GMA RESIGN MOVEMENT.
NAKATAAS ANG WHITE ALERT SA BUONG KASUNDALUHAN AT MAAARI LAMANG I-DEPLOY ANUMANG ORAS KUNG KINAKAILANGAN.


3---MGA NAGBITIW NA ECONOMIC MANAGERS NI GMA…INAKUSAHANG LIHIM NA NAGSABWATAN
KASABAY NITO, WALA UMANONG KARAPATAN ANG SAMPUNG NAGBITIW NA MIYEMBRO NG GABINETE NA PARATANGAN AT KUWESTIYUNIN ANG LIDERATO NI PANG. ARROYO.
SINABI NI NAT'L ECONOMIC DEV'T AUTHORITY DIR.-GEN. ROMULO NERI NA MISMONG ANG GRUPO NINA FINANCE SEC. CESAR PURISIMA ANG UNANG LUMABAG SA PRINSIPYO NG PAMUMUNO.
ITO UMANO AY NANG MAGDESISYON SILANG KUMALAS SA PAGSUPORTA SA PANGULO.
SA HALIP UMANO NA TALAKAYIN AT TUMULONG SA PAGLUTAS SA KRISIS SA ADMINISTRASYON AY INABANDONA NILA ANG PANGULO SA PANAHON NG KRISIS.
DAHIL DITO, TINUKOY NI NERI NA MAS MABUTING MANAHIMIK NA LAMANG ANG KAMPO NI PURISIMA DAHIL WALA UMANO SILANG KARAPATANG MAGSALITA HINGGIL SA MABUTING PAMUMUNO.



4---PISO…TUMATAG SA PALITANG P56.10; STOCK MARKET…UMAKYAT
SA KABILA NG TUMITINDING PROTESTA AT PANAWAGAN NA MAGBITIW SI PANGULONG ARROYO, MAITUTURING NA TUMATAG SA PALITANG P56.10 ANG PALITAN NG DOLYAR SA ATING PISO.
MAS MATATAG NGAYON ANG ATING PISO KESA KAHAPON NA NAITALAGA SA PALITANG P56.28 SA ISANG DOLYAR.
NAGBUKAS ANG TRADING SA PALITANG P56.25 AT ITO AY NAGLARO SA P56.05 AT P56.44 HANGGANG SA MAABOT ANG AVERAGE NA P56.32.
TINIYAK NAMAN NG MGA TRADER NA HINDI NAKI-ALAM NGAYONG ARAW NA ITO ANG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS NGUNIT NAKITA ANG BSP NA UMAKSYON NITONG UNANG BAHAGI NG LINGGO.
SAMANTALA, PUMALO NAMAN ANG STOCK MARKET NGAYONG ARAW AT UMAKYAT ANG SHARE PRICE NG HANGGANG 1.5677 PERCENT, KUNG SAAN ANG MAIN INDEX AY UMANI NG 28.96 POINTS AT NAITALA ITO SA 1, 876.28.

Thursday, July 07, 2005

 

Headlines: GMA Hits Critics; Anti-GMA To Use Force; House Grills Wycoco; Cassava Poisoning Downs Family In Maguindanao

Radyo hataw headlines/july 7, 2005

1---Mga Kalaban Ng Gobyerno…Inupakan Ni Pangulong Arroyo

Muling 'binanatan' ngayon ni pang. Arroyo ang mga nagpapa-baba sa kanya sa puwesto.

Sa isang talumpati sa malakanyang kaninang umaga, binatikos ng pangulo ang kanyang mga 'detractor' na wala umanong inatupag kundi sirain ang kanyang pamamahala.

Nanindigan naman ang pangulo na hindi 'masasabotahe' ng mga kalaban niya sa pulitika ang pagganap niya sa tungkulin.

Ginawa ni pangulong arroyo ang pahayag sa harap ng kaliwa't-kanang panawagan na magbitiw na siya sa puwesto.

Isang grupong nagpakilalang 'people's coalition for nat'l. Salvation' ang nagmungkahi ng seven-man coalition na tatayong transitional gov't. Kapalit ni pang. Arroyo.

2---Grupong Gustong Pabagsakin Si Pangulong Arroyo…Gagamit Daw Ng Pwersa

Desidido naman ang grupong people's coalition for nat'l salvation na gumamit ng pwersa kung magmamatigas si pang. Arroyo na manatili sa kanyang pwesto.

Sa panayam ng dzrh, ipinagmalaki ni rodrigo san gabriel, tagapagsalita ng grupo, na mayroon silang malaking suporta mula sa hanay ng militar na tutulong upang ma-pressure si gma na bumaba sa kapangyarihan.

Maiiwasan lamang umano ang pagdanak ng karahasan kung kusang-loob ng magbibitiw si gma upang bigyang-daan ang mapayapang pagbabago sa gobyerno.

Tiwala ang naturang grupo na sa lalong madaling panahon ay tuluyan ng babagsak ang rehimeng arroyo dahil sa sunud-sunod na dagok at tensyon na dinadanas nito.

3---Nbi Director Reynaldo Wycoco….Muling Ginisa Sa Kamara

Muling isinalang sa imbestigasyon ng kamara si nbi dir. Reynaldo wycoco.

Si wycoco ay ginisa ng husto sa muling pagtatanong ng mga kongresista kung may kapasidad ba ang nbi na mag-wiretap ng mga telepono.

Taliwas sa mga naunang pahayag ni wycoco, nabunyag sa gitna ng pagdinig na may sapat na kakayanan ang nbi na mag-wiretap ng mga usapan.

Nagharap ng mga ebidensya si cavite rep. Crispin remulla at ipinakita ang mga dokumento ng biniling gsm celfone interceptor ng nbi noong panahon ni dating pang. Erap estrada.

Ang naturang interceptor ay nagkakahalaga ng 25 milyong piso na may kakayanang mag-wiretap ng anim na telepono at gagamitin umano sa paglutas ng mga kasong kidnapping.

Kinumpirma naman ni wycoco ang mga naturang kagamitan na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa ng custody ng nbi.

4---Mag-Anak….Biktima Ng Food Poisoning Dahil Sa Kamoteng Kahoy

Isang mag-anak ang isinugod sa ospital matapos malason sa kinaing kamoteng kahoy sa bayan ng upi sa maguindanao.

Patay ang apat na taong gulang na si hector berbanio jr. Matapos makaranas ng matinding pananakit ng tyan, pagkahilo at pagsusuka.

Isinugod naman sa datu blah district hospital ang ama niyang si hector sr., 47, at mga kapatid na sina michael, 2, at helen, 3.

Ayon kay dr. Ester petilo, kumain ang mga miyembro ng pamilya berbanio ng almusal na nilutong kamoteng kahoy.

Nabatid na kontaminado ang kamoteng kahoy na kinain ng mag-anak dahil nakatanim ito sa lupaing pinagtatapuan ng pesticide.

Sinabi din ni petilo na maaari ring hindi naluto ng mabuti ang kamoteng kahoy na kinain ng mag-anak.

Tuesday, July 05, 2005

 

Headlines: Typhoon Emong Landfalls; Atty. Paguia Testifies; Admin Solon Files Impeachment vs GMA; Court Gives 48 Hours to Erap

Radyo hataw headlines/july 5, 2005

1---Bagyong Emong…Nag-Landfall Na Malapit Sa Baguio City; 400 Pasahero…Na-Stranded Sa Bicol
Ayon sa pag-asa si emong ay huling namataan sa layong 60 kilometro sa hilagang silangan ng baguio city.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Ito ay patuloy pa ring kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 na kilometro bawat oras.

Kaugnay nito, ang hilagang luzon ay makakaranas pa rin ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin, habang ang mga baybaying ndagat ay magiging banayad hanggang sa maalon.

Ang ibang bahagi ng luzon, visayas ay magiging maulap ang papawirin na may kalat kalat na pag-ulan.

Kaugnay ng pagsalanta ng bagyong emong, mahigit apat na daang katao ang stranded sa mga pier sa bikol bunsod ng bagyong emong.

Kanselado ang mga biyahe ng mga barko na patungong virac at catanduanes dahil sa naglalakihang alon sanhi ng malakas na hangin.

Una rito, ang lalawigan ng catanduanes ay naisailalim ng public storm signal number one.

Maging ang mga regular na biyahe ng m/v regina shipping lines ay kanselado na rin dahil sa masungit na panahon.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa pananalasa ng bagyong emong sa naturang lalawigan.

2---Atty. Allan Paguia…Humarap Sa Kongreso; Hindi Napiga Ng Mga Kongresista
Hindi napiga ng mga kongresista si atty. Allan paguia na ibulgar sa imbestigasyon kung kanino nanggaling ang mga hawak nyang kopya ng wiretapped conversation ni pang. Arroyo.

Nagkaroon umano sila ng mahigpit na kasunduan ng kanyang 'source' na hindi niya ilalahad kaninuman kung paano niya nakuha ang kopya ng nasabing audio cd.

Sagot ito ni paguia ng muli siyang tanungin ni quezon city rep. Nanette castelo daza hinggil sa source ng naturang audio cd.

Bukod dito, nais din umano niyang pangalagaan ang seguridad ng mga taong naging bahagi ng produksyon ng na-wiretap na usapan ni gma sa isang comelec official.

Mahigpit ding itinanggi ni paguia na 'tampered' ang hawak niyang audio recordings at sa halip ay pinili lamang niya ang mahahalagang detalye pero wala ring nabago sa usapan.


3---Isa Pang Impeachment Complaint…Iniharap Laban Kay Pangulong Gma
Isang administration congressman ang nagharap ng panibagong impeachment complaint laban kay pangulong arroyo.

Naghain ng impeachment complaint ang isang nagngangalang jose rizalino lopez na agad namang inendorso si palawan cong. Antonio alvarez.

'Betrayal of public trust' o panlilinlang sa taumbayan ang naging batayan ni lopez upang magharap ng impeachment complaint laban sa pangulo.

Ito rin ang ginamit na basehan ni atty. Oliver lozano na nauna nang naghain ng impeachment na inendorso si alagad partylist rep rodante marcoleta.

Kaugnay din ito ng kontrobersyal na pag-uusap ni pangulong arroyo at umano'y comelec commissioner virgilio garcellano upang dayain umano ang nakalipas na eleksyon.

Mahigit apat na daang katao ang stranded sa mga pier sa bikol bunsod ng bagyong emong.

4---48 Oras….Dagdag Na Panahon Para Makapagpagamot Si Erap
Binigyan si dating pangulong estrada ng karagdagang palugit ng sandiganbayan para makapagpagamot.

Ito ay matapos payuhan si estrada ng mga doktor na manatili sa ospital ng 2 araw dahil sa sakit na bronchitis.

Ayon kay dr. Larry jocson, personal doctor ni estrada, kailangan ni estrada ng mas mahabang panahon sa ospital upang matutukan ng mga ispesyalista.

Sasailalim din umano si estrada sa fasting para sa serye ng medical tests na ibibigay dito.

Isinugod si estrada sa cardinal santos medical center sa greenhills, san juan noong lunes ng hapon matapos dumaing ng matinding pananakit ng tuhod.

Monday, July 04, 2005

 

Headlines: DTI Warns Unscrupulous Businessmen:

radyo hataw headlines/july 4, 2005

1---Dti….Warns Unscrupulous Businessmen
nagbabala si trade undersecretary zenaida maglaya laban sa mga negosyanteng nais magsamantala sa mga consumer.

ayon kay maglaya, hindi nila papayagang samantalahin ng mga retailers ang 'malikot' na paggalaw ng langis sa world market maging ang napipintong pagpapatupad ng vat.

inihayag ni maglaya na maaring magsumbong ang publiko sa tanggapan ng d-t-i laban sa mga tindahang wala sa lugar ang presyo.

bahagi umano ito ng 'bantay bilihin program' ng d-t-i upang maproteksyunan ang mga consumers laban sa 'overpricing' o hindi-wastong timbang.

maari umanong isumbong sa kanilang hotline ang mga nasabing tindahan upang mapangalagaan ang interes ng mga consumers.

una rito, sorpresang binisita ng mga tauhan ng dep't. of trade & industry ang maraming pamilihan sa metro manila.

ito'y upang alamin kung may mga negosyante at maninindang nagtaas ng presyo ng mga bilihin kasunod ng nasuspindeng implementasyon ng e-vat.

sa panayam ng dzrh, sinabi ni dti undersec. zenaida maglaya na wala namang paggalaw sa presyo ng mga bilihin na na-monitor ang mga tauhan ng dti.

2---Pinigil Na Expanded Vat….Naging Negatibo Ang Epekto Sa Ekonomiya
itoy matapos na bumulusok ng husto ang main index ng phil. stock market, at naitala ang pinakamababang trading sa loob ng nakalipas anim na buwan.
isinisi ng mga dealer ang bagsak na phisix sa ginawang pagharang ng korte suprema sa implimentasyon ng expanded-added tax law.
sumadsad ang main index ng phil. stock market trading sa 79.58 points sa huling transaksyon nito sa merkado kanina.
lahat ng shares ay bumagsak ng 43.61 percent at karamihan sa mga investor ay 'nag-panic selling' o
nagbenta ng stocks dahil sa tro sa vat.
ayon kay tarlac cong. jesli lapus na siyang chairman ng house com on ways and means, lalong bumagsak ang pagtingin sa pilipinas ng international business community dahil sa urong-sulong na patakaran sa ating ekonomiya.



3---Oposisyon….Hinamon Ni Senador Joker Arroyo Na I-Impeach Si Pangulong Gma
binanatan din ni sen. joker arroyo ang 'katamaran' ng oposisyon na magsulong ng impeachment case laban kay gma.
tinukoy ni arroyo na hindi dahilan ang problema sa bilang ng opposition members sa kamara upang huwag gamitin ang prosesong ito na itinatadhana ng konstitusyon.
inilahad ni arroyo na noong panahon na naghain sila ng impeachment complaint laban kay dating pang. erap estrada ay 27 lamang ang bilang ng oposisyon sa kamara.
ngunit nagawa umano nilang kumbinsihin ang mayorya ng kongreso na i-endorso sa senado ang reklamo hanggang sa maging ugat ito ng edsa dos kasunod ng walk-out nila sa impeachment trial.
sinabi ni arroyo na malabong magbitiw sa pwesto si gma kaya ngayon pa lang ay mabuting simulan na ng oposisyon ang pagsusulong impeachment case.
samantlaa, iginiit ni sen. arroyo na hindi dapat magkaroon ng puwang ang karahasan at ang mga armadong grupo sa kasalukuyang krisis-pulitikal.


4---Kaso Ng Pagpatay Sa Isa Pang Kagawad Ng Media…..Posibleng May Kinalaman Sa Banat Niya Sa Drugs
iniimbestighan na ng pulisya ang panibagong kaso ng pagpatay sa isa na namang kagawad ng media sa mindanao.
pinagbabaril at napatay kahapon ng walong suspect si rolando morales ng dwmd-radyo agong rmn habang sakay ng kanyang motorsiklo sa bayan ng polomolok, south cotabato.
sinabi ni chief inspector rex anonsos ng south cotabato police na pinag-aalan nila kung may kinalaman sa ilegal na droga sa cotabato ang pagpatay kay morales.
kilala si morales sa kanyang mga kritikal na komentaryo kaugnay ng laganap na droga sa south cotabato.
isa ang pilipinas sa mga bansang pinaka-delikado para sa mga mamamahayag dahil sa dami ng mga pinapatay na journalist dito.

Friday, July 01, 2005

 

Headlines: Anti-GMA rally, Continues; Sectors Blasts Evat; Govt Defends Evat; Paguia, Ong Charged

RADYO HATAW HEADLINES/July 1, 2005

1---DEMONSTRASYON LABAN KAY GMA…PATULOY
NAGPATULOY NGAYON ANG SERYE NG KILOS-PROTESTA NG MGA IBAT-IBANG SEKTOR NA NAGLALAYONG HILINGIN ANG AGARANG PAGBIBITIW NI PANGULONG GMA SA KANYANG TUNGKULIN.

KAUGNAY NITO, SARADO NGAYON SA MGA SASAKYAN ANG MALAKING BAHAGI NG AYALA AVE. SA MAKATI DAHIL SA MALAKING RALLY LABAN KAY GMA.

SA PAGTAYA NG SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE, TINATAYANG AABOT SA 20 LIBONG DEMONSTRADOR MULA SA UNITED OPPOSITION O UNO AT BAYAN-MUNA, BAYAN, KMU, AT SANLAKAS ANG NAGTITIPON SA NGAYON SA MAKATI.

BITBIT ANG MGA NAGLALAKIHANG PLACARDS AT BANDERA, ISINISIGAW ANG MGA RALIYISTA ANG SLOGAN NA 'GMA RESIGN'.

ITO NA ANG IKALAWANG ARAW NG SERYE NG MGA RALLY NA HUMIHINGI NG PAGBIBITIW NI GMA.

SAMANTALA, ISA NAMANG PRAYER RALLY ANG IDARAOS NGAYONG GABI SA FOLK ARTS THEATER NG JESUS IS LORD MINISTRY SA PANGUNGUNA NI DATING PRESIDENTIABLE BROTHER EDDIE VILLANUEVA.

2---MASAMANG EPEKTO NG EXPANDED VAT…INUULAN NG BATIKOS
MARIING KINUNDENA NG IBAT-IBANG GRUPO ANG IMPLEMENTASYON NG E-VAT NA LALO UMANONG MAGPAPAHIRAP SA MGA MAHIHIRAP.

SA PANAYAM NG DZRH, SINABI NI IBON FOUNDATION EXEC. DIR. BELLA GUZMAN NA MATINDING DAGOK SA MAHIHIRAP ANG PAGTAAS SA PRESYO NA IDUDULOT NG -EVAT SA MGA PRODUKTO AT SERBISYO.

BINANGGIT NI GUZMAN NA 'REGRESIBONG' BUWIS ANG E-VAT NA INAYUSAN LANG UMANO NG GOBYERNO PARA HINDI MAG-MUKHANG PAHIRAP SA PUBLIKO.

SINASABI UMANO NG GOBYERNO NA HINDI KASAMA SA MGA TATAAS ANG PRESYO ANG MGA PANGUNAHING BILIHIN PERO HINDI UMANO ITO MAIIWASAN DAHIL GUMAGAMIT NG LANGIS AT KURYENTE ANG MGA MANUFACTURER.

TUMAAS NA ANG PRESYO NG SARI-SARING PRODUKTO AT SERBISYO KABILANG ANG GASOLINA AT L-P-G DAHIL SA E-VAT AT INAASAHANG SUSUNOD NA RIN ANG SINGIL SA KURYENTE, TOLL FEE AT MGA PANGUNAHING BILIHIN.

3---EXPANDED VAT…IDINEPENSA NG GOBYERNO
IPINAGTANGGOL NG DEP'T. OF ENERGY ANG PAGPAPATUPAD NG E-VAT SA KABILA NG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, SINGIL SA KURYENTE AT TOLL FEE.

SA PANAYAM NG DZRH, SINABI NI ENERGY SEC. RAPHAEL LOTILLA PAWANG MGA MAY-KAYA AT MAYAYAMAN LANG UMANO ANG TATAMAAN NG EPEKTO NG E-VAT.

BINANGGIT NG KALIHIM NA 65 PORSIYENTO NG MGA GUMAGAMIT NG MGA PRODUKTONG PETROLYO AY MULA SA MGA MAY-KAYA AT 35 PERCENT NAMAN ANG PINAGHAHATIAN NG MGA PANG-KARANIWANG MAMAMAYAN.

TULAD NG DEP'T. OF ENERGY, TINIYAK DIN NG DEP'T. OF FINANCE NA 'MINIMAL' ANG EPEKTO NG E-VAT SA MGA MAMAMAYAN.

BINANGGIT NI FINANCE SEC. CESAR PURISIMA NA HINDI KASAMA SA MGA TATAAS ANG PRESYO ANG MGA PANINDA SA MGA PALENGKE AT GROCERY.

TALIWAS ANG PAHAYAG NINA LOTILLA AT PURISIMA SA PANINIWALA NI CONSUMER & OIL PRICE WATCH CHAIRMAN RAUL CONCEPCION NA NAGSABING MAPIPILITANG MAGTAAS NG PRESYO ANG MGA MANUFACTURER KASUNOD NG OIL PRICE INCREASE NA IDINULOT NG E-VAT.

4---PAGUIA, ONG….KINASUHAN NG PAGLABAG SA ANTI-WIRE TAPPING LAW
IPINAGHARAP NA NG REKLAMONG PAGLABAG SA ANTI-WIRETAPPING LAW SINA ATTY. ALLAN PAGUIA AT DATING NBI DEPUTY DIR. SAMUEL ONG.

ISANG TAXPAYER NA NAGPAKILALANG CARMEN IGNACIO ANG PORMAL NA NAGHARAP SA DEP'T. OF JUSTICE NG REKLAMO LABAN KINA PAGUIA AT ONG KANINANG ALAS DIYES NG UMAGA.

LAYUNIN LAMANG UMANO NI IGNACIO NA MATIYAK ANG MAAYOS NA IMPLIMENTASYON NG MGA BATAS NG BANSA GAYA NG ANTI-WIRETAPPING LAW.

BATAY SA KANYANG COMPLAINT AFFIDAVIT, SINABI NI IGNACIO NA SAPAT NG EBIDENSYANG ANG MGA HAWAK NA AUDIO RECORDINGS NINA PAGUIA AT ONG NA GALING SA WIRETAPPED NA USAPAN NI PANG. ARROYO AT ISANG COMELEC COMMISSIONER.

BUKOD DITO, NAGHAIN RIN SI IGNACIO NG KASONG INICITING TO SEDITION LABAN SA DALAWA DAHIL SA UMANO'Y LANTARANG PAG-UUDYOK SA TAONGBAYAN NA KUMILOS LABAN SA GOBYERNO.

KASAMA RING INIHAIN NI IGNACIO ANG KASONG PAGNANAKAW LABAN KINA ONG AT T/SGT. VIDAL DOBLE NA NAGNAKAW UMANO NG KOPYA NG WIRETAPPED CONVERSATION SA INTELLIGENCE SERVICE NG AFP.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?