Thursday, July 07, 2005

 

Headlines: GMA Hits Critics; Anti-GMA To Use Force; House Grills Wycoco; Cassava Poisoning Downs Family In Maguindanao

Radyo hataw headlines/july 7, 2005

1---Mga Kalaban Ng Gobyerno…Inupakan Ni Pangulong Arroyo

Muling 'binanatan' ngayon ni pang. Arroyo ang mga nagpapa-baba sa kanya sa puwesto.

Sa isang talumpati sa malakanyang kaninang umaga, binatikos ng pangulo ang kanyang mga 'detractor' na wala umanong inatupag kundi sirain ang kanyang pamamahala.

Nanindigan naman ang pangulo na hindi 'masasabotahe' ng mga kalaban niya sa pulitika ang pagganap niya sa tungkulin.

Ginawa ni pangulong arroyo ang pahayag sa harap ng kaliwa't-kanang panawagan na magbitiw na siya sa puwesto.

Isang grupong nagpakilalang 'people's coalition for nat'l. Salvation' ang nagmungkahi ng seven-man coalition na tatayong transitional gov't. Kapalit ni pang. Arroyo.

2---Grupong Gustong Pabagsakin Si Pangulong Arroyo…Gagamit Daw Ng Pwersa

Desidido naman ang grupong people's coalition for nat'l salvation na gumamit ng pwersa kung magmamatigas si pang. Arroyo na manatili sa kanyang pwesto.

Sa panayam ng dzrh, ipinagmalaki ni rodrigo san gabriel, tagapagsalita ng grupo, na mayroon silang malaking suporta mula sa hanay ng militar na tutulong upang ma-pressure si gma na bumaba sa kapangyarihan.

Maiiwasan lamang umano ang pagdanak ng karahasan kung kusang-loob ng magbibitiw si gma upang bigyang-daan ang mapayapang pagbabago sa gobyerno.

Tiwala ang naturang grupo na sa lalong madaling panahon ay tuluyan ng babagsak ang rehimeng arroyo dahil sa sunud-sunod na dagok at tensyon na dinadanas nito.

3---Nbi Director Reynaldo Wycoco….Muling Ginisa Sa Kamara

Muling isinalang sa imbestigasyon ng kamara si nbi dir. Reynaldo wycoco.

Si wycoco ay ginisa ng husto sa muling pagtatanong ng mga kongresista kung may kapasidad ba ang nbi na mag-wiretap ng mga telepono.

Taliwas sa mga naunang pahayag ni wycoco, nabunyag sa gitna ng pagdinig na may sapat na kakayanan ang nbi na mag-wiretap ng mga usapan.

Nagharap ng mga ebidensya si cavite rep. Crispin remulla at ipinakita ang mga dokumento ng biniling gsm celfone interceptor ng nbi noong panahon ni dating pang. Erap estrada.

Ang naturang interceptor ay nagkakahalaga ng 25 milyong piso na may kakayanang mag-wiretap ng anim na telepono at gagamitin umano sa paglutas ng mga kasong kidnapping.

Kinumpirma naman ni wycoco ang mga naturang kagamitan na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa ng custody ng nbi.

4---Mag-Anak….Biktima Ng Food Poisoning Dahil Sa Kamoteng Kahoy

Isang mag-anak ang isinugod sa ospital matapos malason sa kinaing kamoteng kahoy sa bayan ng upi sa maguindanao.

Patay ang apat na taong gulang na si hector berbanio jr. Matapos makaranas ng matinding pananakit ng tyan, pagkahilo at pagsusuka.

Isinugod naman sa datu blah district hospital ang ama niyang si hector sr., 47, at mga kapatid na sina michael, 2, at helen, 3.

Ayon kay dr. Ester petilo, kumain ang mga miyembro ng pamilya berbanio ng almusal na nilutong kamoteng kahoy.

Nabatid na kontaminado ang kamoteng kahoy na kinain ng mag-anak dahil nakatanim ito sa lupaing pinagtatapuan ng pesticide.

Sinabi din ni petilo na maaari ring hindi naluto ng mabuti ang kamoteng kahoy na kinain ng mag-anak.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?