Thursday, July 14, 2005

 

Headlines: GMA Survives "Storm"; Miriam Blasts FVR; RP Appeals to WB; Broadcaster's Killer Nabbed

Radyo Hataw Headlines/July 14, 2005


1---Pangulong Arroyo…Nakalampas Na Umano Sa Matinding Pressure Na Siya Pababain Sa Puwesto
nalampasan na umano ni pangulong gloria macapagal arroyo ang pinakamatinding dagok sa serye ng kampanya sa pagpapababa sa pwesto.

ayon sa economic analyst na si victo abola ng university of asia and the pacific, hindi umano nayanig ang malacañang kahapon.

hindi umano nakuhang makapaglabas ng oposisyon ng 50 libong kataong ipinangakong dadalhin sa ayala, makati at malabo rin na makisali ang militar sa mga hakbang sa pagpapatalsik sa pangulo.

gayunman, naniniwala si robert ocampo, pangulo ng asian institute of management na hindi sa rally kahapon matatapos ang hakbang ng oposisyon.

magpapatuloy umano ito at hindi madadagdagan ang bilang ng mga sumasama sa rally.

sa sabado, isang malawakang kilos protesta ang itatapat ng mga kaalyado ng pangulo upang ipakita sa publiko ang pananatili ng kumpiyansa ng marami sa pamahalaan.

2---Dating Pangulong Ramos…Nakatikim Ng Banat Kay Senador Miriam Santiago
hindi rin napigilan ni sen. miriam santiago na banatan si dating pang. fidel ramos sa mungkahi nitong palitan ng parliamentary gov't ang kasalukuyang pres'l system.

sinabi ni santiago na hindi mainam ang sistemang parliamentaryo sa magulong sitwasyon ng pulitika sa bansa.

tinukoy nito na sa ilalim ng parliamentaryo ay mas madaling magpatalsik ng pinuno ng gobyerno.

dahil dito, nililihis lamang umano ni ramos ang publiko sa pagsasabing ang pagtatayo ng parliyamentaryong gobyerno ang solusyon sa magulong pulitika at ekonomiya ng bansa.

3---Pilipinas….Hihirit Sa World Bank Para Gumaan Ang Pagkakautang
may bagong mungkahi ang pilipinas sa world bank kaugnay sa mga utang panlabas ng bansa.

nauna rito, tinanggihan ng world bank ang kahilingan ng pilipinas para sa 'debt relief' at idineklarang hindi kwalipikado rito ang bansa.

sinabi ni foreign affairs sec. alberto romulo na hihingin na lamang ng malakanyang ang 'development debt scheme' para sa kalikasan, edukasyon, patubig at para sa kabataan.

umaasa si romulo na papasa na sa world bank ang bagong kahilingan ng palasyo para mabawasan ang malaking utang panlabas ng bansa.

4---Suspek Sa Pagpatay Sa Isang Brodkaster….Nasakote

naaresto ng mga pulis sa general santos city ang suspect sa pagpatay kay radio mindanao network anchorman dodong morales.

dinampot sa kanyang bahay si vicente yonggo jr. matapos iturong pangunahing suspek sa pagpatay kay morales kamakailan.

nakakuha rin ang mga police investigators ng granada, limang magazine ng m-16 riffle at iba pang armas sa bahay ni yongco.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?