Thursday, June 23, 2005

 

Headlines: Groups Prepares Protest Actions; GMA Blasts Destabilizers; Tarongoy Arrives; Oil Price Hikes Again

Radyo Hataw Headlines/June 23, 2005

1---Malawakang Kilos-Protesta…Kasado Na Para Bukas
'kasado' na ang malawakang kilos-protesta ng iba't ibang grupo para bukas at sa sabado.

itinakda ng mga militanteng grupo ang hunyo 24 na pambansang araw ng protesta para sa katotohanan at katarungan.

mahigit sa sampung libong raliyista ang inaasahang dadagsa sa mga lansangan bukas kabilang na ang mga kaalyadong grupo ng oposisyon at mga tagasuporta ni dating nbi deputy dir. samuel ong.

pangungunahan ni fr. joe dizon ang ecumenical prayer sa harap ng simbahan ng sto. domingo na susundan naman ng martsa patungo sa liwasang bonifacio.

kasabay rin nito ang pagkilos ng mga grupong anti-arroyo sa cagayan de oro, gen. santos city. south cotabato, samar, bohol, butuan at davao.

sa sabado, nakatakda namang pangunahan ni retired gen. forunato abat ang 'solidarity march' patungo ng malakanyang.

ito ay inaasahan pang masusundan sa darating na hunyo 30 na itinakda namang araw ng pambansang protesta laban sa unang taon ng panunungkulan ni pang. arroyo mula nang manalo sa nakalipas na halalan.


2---Pangulong Arroyo…Nagalit Na Sa Mga Grupong Gusto Siyang Patalsikin
binanatan na ng husto ni pang. arroyo ang mga grupong nagbabalak na patalsikin siya sa kapangyarihan.

sa kanyang pagsasalita sa "galing pilipino energy efficiency & conservation campaign," hindi na napigilan ni gma ang kanyang galit at bumanat na ng husto sa mga destabilizers.

binansagan ni gma ang mga nasa likod ng destabilisasyon na mga 'economic sabotuers.'

sa kanyang muling pagsasalita sa testimonial luncheon ng mga barangay chairman ng lungsod ng maynila sa manila hotel, muling nagpasaring si gma oposisyon.

tahasang nang binanatan ni gma ang oposisyon at ang grupo ni ret. gen fortunato abat na nakatakdang magsagawa ng malakihang kilos-protesta bukas kasabay ng 'araw ng maynila.'



3---Pinoy Accountant Robert Tarongoy…Nakauwi Na
dumating na sa bansa ang pinoy accountant na nabihag ng may walong buwan sa iraq.

umuwi si roberto tarongoy sakay ng gulf air flight 254 mula sa abu dhabi at dumating sa ninoy aquino airport dakong alas dos kanina.

kasama ni tarongoy sa biyahe pag-uwi si foreign affairs undersec. rafael seguis at ang iba pang miyembro ng task force tarongoy.

sandaling nagbigay ng pahayag sa mga kagawad ng media si tarongoy habang umiiyak pero huminto rin siya sa kalagitnaan ng interview at humingi ng "privacy".

agad itong dumeretso ng malakanyang at pinasalamatan ang pamahalaan sa naging pagsisikap na siya ay palayain.

pinalaya si tarongoy noong martes ng gabi at iniwan ng mga kumidnap sa kanya sa isang hotel sa baghdad, iraq.


4---Presyo Ng Petrolyo…Tataas Na Naman
tataas muli ang presyo ng langis sa darating na linggo.

ito ang babala ng new oil players association kaugnay sa posibleng paggalaw muli ng presyo ng langis sa susunod na linggo.

ayon kay rex tantiongco ng independent petroleum companies association o ipca, umabot na sa pinakamataas na presyo ang presyo ng krudo sa world market at itinutulak nito pataas din ang lokal na presyo ng langis.

bukod pa umano rito ang posibleng maging epekto ng expanded value added tax sa pagpasok ng unang bahagi ng hulyo kung kailan magiging epektibo ang naturang batas.

sinabi ni tantiongco na posibleng umabot sa dalawa hanggang tatlong piso ang maging epekto ng e-vat sa presyo ng langis.

samantala, kinumpirma ni consumer and oil price watch chairman raul concepcion na posible pang humataw sa presyong 38 pesos kada litro ang presyo ng petrolyo sa bansa.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?