Monday, June 13, 2005

 

Headlines: ISAFP agent Doble surfaces, Political Crisis affects RP Industry

Radyo hataw headlines/june 13, 2005


1---isafp agent na nasa likod ng wiretapping…..balik headquarters
Nakuha na ng pulisya ang isafp agent na nagbigay diumano ng tape kay dating nbi dep. Dir. Sammy ong.

Ipinrisinta sa media si sgt. Vidal doble matapos ang ilang oras na negosasyon ni c/supt. Leopoldo bataoil at bishop soc villegas.

Si doble ay military intelligence agent ng armed forces na itinuturo ni ong na sangkot umano sa pag-wi-wiretap sa usapan ni pangulong arroyo at comelec commissioner virgilio garcelliano.

Tumanggi namang magbigay ng detalye si c/supt. Bataoil kung sapilitan itong kinuha ng pulisya upang hindi makapagsalita laban sa gobyerno.

Iwas-pusoy rin ang pulisya upang tukuyin kung anu ang naging detalye ng negosasyon at kung kusang loob na nagtungo si doble sa san carlos seminary.

Nauna rito ay humingi ng tulong ang maybahay ni doble na si arlene at sinabing sapilitan itong ikinulong sa seminaryo para 'pakantahin'.


2---industriya sa bansa…..dumanas ng negatibo dahil sa krisis pulitikal
Dumaranas na rin ng negatibong epekto ang sektor ng industriya sa kasalukuyang krisis-pulitical na kinakaharap ng bansa.

Dahil dito, umapela si philippine chamber of commerce & industry chairman donald dee na iwasan muna ang anumang ispekulasyon upang hindi magkaroon ng ibayo pang epekto sa mga negosyo.

Gayunman, tinukoy ni dee na sang-ayon rin sila na imbestigahan ang kontrobersya sa taped conversations na kinasasangkutan ni pang. Arroyo.

Sinabi ni dee na hangad rin nilang mabunyag ang katotohanan sa likod ng mga eskandalo laban sa administrasyon.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?