Monday, July 11, 2005

 

Headlines: Analyst Fears Political Crisis; Anti-GMA Groups Sets Big Rally; RP Economy Suffers More to Crisis; PNP Clears Alert Stats

Radyo hataw headlines/july 11, 2005

1---Krisis Pulitikal Sa Bansa…Tatagal Pa –Ayon Sa Isang Analyst

Tatagal pa ang kasalukuyang tensyon sa pulitika na dinadanas ng bansa.

Sinabi ni political analyst prof. Tony gatmaitan na magigirian pa ang iba't ibang mga pwersa sa lipunan bago tuluyang matapos ang yugto ng krisis sa pulitika.

Gayunman, masyado pa umanong maaga upang husgahan kung saan hahantong ang panibagong tensyon na bumabalot sa gobyerno.

Tinukoy ni gatmaitan na hindi malayong mauwi din sa kompromiso ang bangayan ng mga pulitiko ngunit kung
magpapakita rin ng pwersa ang taongbayan ay hindi rin malabong mauwi ito sa panibagong people power revolution.

Kung ikukumpara naman umano ang kasalukuyang sitwasyon sa nagdaang edsa i at edsa ii ay kulang pa ang military component upang ganap na pabagsakin sa kapangyarihan si gma.

2---Malaking Anti-Gma Rally…Kasado Na Sa Miyerkoles

Kasado na ang isa pang malaking rally laban sa pang. Arroyo sa miyerkoles, hulyo 13.

Ilulunsad ito ng united opposition at ng grupong bayan at mga maka-kaliwang samahan.

Ayon kay renato reyes, sec.-gen. Ng bagong alyansang makabayan, sisikapin nilang makapag-mobilisa ng may 50 libo katao sa ayala ave. Sa makati sa miyerkoles.

Kasama rin sa rally ang mga tagasuporta ng namayapang aktor na si fernando poe jr. Gayundin ang mga pro-erap.

Kaliwa't-kanan ang mga rally laban sa pangulo kasunod ng nabulgar na 'hello garci cd' ng pangulo at ni comelec commissioner virgilio garcillano.

3---Ekonomiya Ng Pilipinas….Lalung Sasadsad Dahil Sa Krisis Pulitikal

Lalong mababaon sa problema ang ekonomiya ng bansa sa harap ng matinding tensyong-pulitikal.

Ito ang pananaw ni economist winnie monsod na magiging epekto sa ekonomiya ng nangyayaring krisis-pulitikal.

Tinukoy ni monsod na ngayon pa lamang ay nagdadalawang isip na ang mga ang mga potential investor na mamuhunan sa bansa sa pangambang lalala pa ang bangayan ng administrasyon at oposisyon sa mga darating na araw.

Para kay monsod, malabo pang maresolba ang problema sa ekonomiya kahit na magbitiw pa sa puwesto si pang. Arroyo.

4---Alerto Sa Metro Manila….Ibinaba Na Ng Pnp

Nagbaba na ng alert status ang p-n-p sa metro manila simula kaninang umaga.

Sinabi ni pnp-ncrpo chief gen. Vidal querol na ibinalik na nila sa normal na alert status ang metro manila mula nang ilagay ito sa red alert noong biyernes.

Binanggit ni querol na nakatulong ng husto sa paghupa ng tensyong-pulitikal ang pahayag ng catholic bishop's conference of the phils.

Nauna rito, tumanggi ang cbcp na makiisa sa mga panawagang magbitiw na sa puwesto si pang. Arroyo kasunod ng nabulgar na 'hello garci cd'.

Umaasa naman si querol na huhupa na rin ang mga protesta sa lansangan laban sa pangulo kasunod ng pahayag ng cbcp.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?