Tuesday, July 12, 2005

 

Headlines: Anti-GMA Groups Ready for a Big Rally; PNP Declares Full Alert; Palace Favors Change of Govt.; Mental Patient EScapes

Radyo hataw headlines/july 12, 2005

1---Rally Dito, Rally Doon…..Mga Magrarally Para Bukas….Hinarang

Kabi-kabilang lighting rally ang inilunsad ng mga militanteng grupo ngayong araw bilang protesta laban sa patuloy na pamumuno ni pang. Arroyo.

Pinangunahan ng mga estudyante sa university of the pihlippines ang candle lighting protest sa sunken garden grandstand na dadaluhan ng mga grupong aklas kabataan, akbayan youth, aksyon kabataan, bisig youth at padayon.

May hiwalay na lighting protest din na ikakasa ang isang grupo ng mga pari, madre at seminaryo sa harap ng lrt station sa katipunan, quezon city mamayang alas-6 ng gabi.

Hinihiling ng mga ito na maliwanagan na si pang. Arroyo at isakripisyo ang kanyang pwesto alang-alang sa bayan.

Samantala, hinarang na ng mga check-point ng militar at pulis ang mga raliyistang nagtangkang pumasok sa metro manila.

Sa report ng radyo natin plaridel, ilang jeepney na may sakay na raliyista ang hindi pinayagang makapasok sa north luzon expressway sa bulacan area.

Dahil dito, naipon ang bulto ng sasakyan ng mga raliyista sa kahabaan ng mac arthur highway sa meycauayan na lumikha naman ng mahabang traffic.

Balak sana ng grupo na makarating sa monumento circle sa caloocan kung saan sila magdaraos ng prayer vigil hanggang bukas.

2----Pnp….Balik Sa Red Alert Status

Muling itinaas ng p-n-p sa red alert ang security status hindi lamang sa metro manila kundi sa buong bansa.

Kaugnay ito ng malaking kilos-protesta ng mga grupong kritiko ni pang. Arroyo, partikular ang multi-sectoral rally ng oposisyon bukas.

Sinabi ni pnp-ncrpo chief gen. Vidal querol na naka-alerto ang pulisya kaugnay sa mga magaganap na rally.

Sakop ng ibinalik na 'red alert status' hindi lamang ang metro manila kundi ang buong bansa, partikular umano ang mga 'urban center'.

Nauna rito, nagbabala si pnp chief dir.-gen. Arturo lomibao na maaaring 'pasukan' ng mga rebeldeng komunistang may masamang balak ang rally ng oposisyon bukas.

Binigyang diin naman ni querol na mahigpit pa ring ipatutupad bukas ang 'no permit, no rally policy'.

3---Panukalang Palitan Ang Sistema Ng Gobyerno….Kinagat Ng Palasyo

Kinagat ng palasyo ang panukalang pagpapalit ng sistema politikal ng gobyerno na panukala ni dating pangulong fidel ramos.

Sa isang pressconference sa palasyo, humarap sina pangulong gma, house speaker jose de venecia at ilang pang opisyal ng pamahalaan.

Inilantad ni de venecia ang kopya ng agreement na nilagdaan kasama ng 17 pangunahing political party sa bansa.

Inamin ni de venecia na matagal na niyang inaadhika ang pagpapalit ng pamahalaan mula sa demokrasya patungo
sa parliamento na lalamanin sa pagbalangkas sa konstitusyon na pangunahing tinalakay sa pagpupulong.

Noong biyernes, biglang sumugod si fvr sa palasyo at inirekumenda ang pagpapalit ng sistema pulitikal ng bansa kungsaan tatayong transition president si gma.

Suhestiyon ito ni fvr sa mga panawagan na bumaba sa pwesto ang pangulo matapos makaladkad ang pangalan sa 'hello garci cd' na naglalaman ng umano'y pandaraya ng pangulo noong nakalipas na eleksyon.

4---Baliw…..Nakatakas…..Nakapatay Sa Bataan

Pinaghahanap ng pinagsanib na pwersa ng provincial international and investigation branch of piap three o'fourth mobile company at bagac municipal police station ang isang nakatakas na mental patient mula sa maribeles mental hospital dahil sa pamamaril ng dalawa katao.

Kinilala ni provincial police director senior police superintendent ang suspect na si reynaldo mendoza, may hustong gulang at nakatira sa baranggay banawang.

Nakikilala naman ang mga biktima na sina noli bendo yankee reyes, tatlumpu't limang taong gulang, binata, magsasaka at jun jun gonzalez, dalampu't walong taong gulang, binata, at walang trabaho, na kapwa nakatira sa naturang baranggay.

Lumilitaw sa initial report ng bagac police na itong dalawang biktima ay nakipaglamay sa kanilang kabaranggay na namatay dakong alas diyes ng gabi nang bigla na lang sumulpot ang suspect na may dalang shotgun at biglang namaril.

Nagtamo ng walong tama ng baril sa likurang bahagi ang biktimang si brendo samantalang si gonzales ay tinamaan ng isang bala sa likod.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?