Monday, July 04, 2005

 

Headlines: DTI Warns Unscrupulous Businessmen:

radyo hataw headlines/july 4, 2005

1---Dti….Warns Unscrupulous Businessmen
nagbabala si trade undersecretary zenaida maglaya laban sa mga negosyanteng nais magsamantala sa mga consumer.

ayon kay maglaya, hindi nila papayagang samantalahin ng mga retailers ang 'malikot' na paggalaw ng langis sa world market maging ang napipintong pagpapatupad ng vat.

inihayag ni maglaya na maaring magsumbong ang publiko sa tanggapan ng d-t-i laban sa mga tindahang wala sa lugar ang presyo.

bahagi umano ito ng 'bantay bilihin program' ng d-t-i upang maproteksyunan ang mga consumers laban sa 'overpricing' o hindi-wastong timbang.

maari umanong isumbong sa kanilang hotline ang mga nasabing tindahan upang mapangalagaan ang interes ng mga consumers.

una rito, sorpresang binisita ng mga tauhan ng dep't. of trade & industry ang maraming pamilihan sa metro manila.

ito'y upang alamin kung may mga negosyante at maninindang nagtaas ng presyo ng mga bilihin kasunod ng nasuspindeng implementasyon ng e-vat.

sa panayam ng dzrh, sinabi ni dti undersec. zenaida maglaya na wala namang paggalaw sa presyo ng mga bilihin na na-monitor ang mga tauhan ng dti.

2---Pinigil Na Expanded Vat….Naging Negatibo Ang Epekto Sa Ekonomiya
itoy matapos na bumulusok ng husto ang main index ng phil. stock market, at naitala ang pinakamababang trading sa loob ng nakalipas anim na buwan.
isinisi ng mga dealer ang bagsak na phisix sa ginawang pagharang ng korte suprema sa implimentasyon ng expanded-added tax law.
sumadsad ang main index ng phil. stock market trading sa 79.58 points sa huling transaksyon nito sa merkado kanina.
lahat ng shares ay bumagsak ng 43.61 percent at karamihan sa mga investor ay 'nag-panic selling' o
nagbenta ng stocks dahil sa tro sa vat.
ayon kay tarlac cong. jesli lapus na siyang chairman ng house com on ways and means, lalong bumagsak ang pagtingin sa pilipinas ng international business community dahil sa urong-sulong na patakaran sa ating ekonomiya.



3---Oposisyon….Hinamon Ni Senador Joker Arroyo Na I-Impeach Si Pangulong Gma
binanatan din ni sen. joker arroyo ang 'katamaran' ng oposisyon na magsulong ng impeachment case laban kay gma.
tinukoy ni arroyo na hindi dahilan ang problema sa bilang ng opposition members sa kamara upang huwag gamitin ang prosesong ito na itinatadhana ng konstitusyon.
inilahad ni arroyo na noong panahon na naghain sila ng impeachment complaint laban kay dating pang. erap estrada ay 27 lamang ang bilang ng oposisyon sa kamara.
ngunit nagawa umano nilang kumbinsihin ang mayorya ng kongreso na i-endorso sa senado ang reklamo hanggang sa maging ugat ito ng edsa dos kasunod ng walk-out nila sa impeachment trial.
sinabi ni arroyo na malabong magbitiw sa pwesto si gma kaya ngayon pa lang ay mabuting simulan na ng oposisyon ang pagsusulong impeachment case.
samantlaa, iginiit ni sen. arroyo na hindi dapat magkaroon ng puwang ang karahasan at ang mga armadong grupo sa kasalukuyang krisis-pulitikal.


4---Kaso Ng Pagpatay Sa Isa Pang Kagawad Ng Media…..Posibleng May Kinalaman Sa Banat Niya Sa Drugs
iniimbestighan na ng pulisya ang panibagong kaso ng pagpatay sa isa na namang kagawad ng media sa mindanao.
pinagbabaril at napatay kahapon ng walong suspect si rolando morales ng dwmd-radyo agong rmn habang sakay ng kanyang motorsiklo sa bayan ng polomolok, south cotabato.
sinabi ni chief inspector rex anonsos ng south cotabato police na pinag-aalan nila kung may kinalaman sa ilegal na droga sa cotabato ang pagpatay kay morales.
kilala si morales sa kanyang mga kritikal na komentaryo kaugnay ng laganap na droga sa south cotabato.
isa ang pilipinas sa mga bansang pinaka-delikado para sa mga mamamahayag dahil sa dami ng mga pinapatay na journalist dito.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?