Tuesday, July 05, 2005

 

Headlines: Typhoon Emong Landfalls; Atty. Paguia Testifies; Admin Solon Files Impeachment vs GMA; Court Gives 48 Hours to Erap

Radyo hataw headlines/july 5, 2005

1---Bagyong Emong…Nag-Landfall Na Malapit Sa Baguio City; 400 Pasahero…Na-Stranded Sa Bicol
Ayon sa pag-asa si emong ay huling namataan sa layong 60 kilometro sa hilagang silangan ng baguio city.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Ito ay patuloy pa ring kumikilos sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 na kilometro bawat oras.

Kaugnay nito, ang hilagang luzon ay makakaranas pa rin ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin, habang ang mga baybaying ndagat ay magiging banayad hanggang sa maalon.

Ang ibang bahagi ng luzon, visayas ay magiging maulap ang papawirin na may kalat kalat na pag-ulan.

Kaugnay ng pagsalanta ng bagyong emong, mahigit apat na daang katao ang stranded sa mga pier sa bikol bunsod ng bagyong emong.

Kanselado ang mga biyahe ng mga barko na patungong virac at catanduanes dahil sa naglalakihang alon sanhi ng malakas na hangin.

Una rito, ang lalawigan ng catanduanes ay naisailalim ng public storm signal number one.

Maging ang mga regular na biyahe ng m/v regina shipping lines ay kanselado na rin dahil sa masungit na panahon.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa pananalasa ng bagyong emong sa naturang lalawigan.

2---Atty. Allan Paguia…Humarap Sa Kongreso; Hindi Napiga Ng Mga Kongresista
Hindi napiga ng mga kongresista si atty. Allan paguia na ibulgar sa imbestigasyon kung kanino nanggaling ang mga hawak nyang kopya ng wiretapped conversation ni pang. Arroyo.

Nagkaroon umano sila ng mahigpit na kasunduan ng kanyang 'source' na hindi niya ilalahad kaninuman kung paano niya nakuha ang kopya ng nasabing audio cd.

Sagot ito ni paguia ng muli siyang tanungin ni quezon city rep. Nanette castelo daza hinggil sa source ng naturang audio cd.

Bukod dito, nais din umano niyang pangalagaan ang seguridad ng mga taong naging bahagi ng produksyon ng na-wiretap na usapan ni gma sa isang comelec official.

Mahigpit ding itinanggi ni paguia na 'tampered' ang hawak niyang audio recordings at sa halip ay pinili lamang niya ang mahahalagang detalye pero wala ring nabago sa usapan.


3---Isa Pang Impeachment Complaint…Iniharap Laban Kay Pangulong Gma
Isang administration congressman ang nagharap ng panibagong impeachment complaint laban kay pangulong arroyo.

Naghain ng impeachment complaint ang isang nagngangalang jose rizalino lopez na agad namang inendorso si palawan cong. Antonio alvarez.

'Betrayal of public trust' o panlilinlang sa taumbayan ang naging batayan ni lopez upang magharap ng impeachment complaint laban sa pangulo.

Ito rin ang ginamit na basehan ni atty. Oliver lozano na nauna nang naghain ng impeachment na inendorso si alagad partylist rep rodante marcoleta.

Kaugnay din ito ng kontrobersyal na pag-uusap ni pangulong arroyo at umano'y comelec commissioner virgilio garcellano upang dayain umano ang nakalipas na eleksyon.

Mahigit apat na daang katao ang stranded sa mga pier sa bikol bunsod ng bagyong emong.

4---48 Oras….Dagdag Na Panahon Para Makapagpagamot Si Erap
Binigyan si dating pangulong estrada ng karagdagang palugit ng sandiganbayan para makapagpagamot.

Ito ay matapos payuhan si estrada ng mga doktor na manatili sa ospital ng 2 araw dahil sa sakit na bronchitis.

Ayon kay dr. Larry jocson, personal doctor ni estrada, kailangan ni estrada ng mas mahabang panahon sa ospital upang matutukan ng mga ispesyalista.

Sasailalim din umano si estrada sa fasting para sa serye ng medical tests na ibibigay dito.

Isinugod si estrada sa cardinal santos medical center sa greenhills, san juan noong lunes ng hapon matapos dumaing ng matinding pananakit ng tuhod.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?