Friday, July 15, 2005

 

Headlines:Estradas Ready to Resign; GMA's Impeachment Helps Economy; Throng of People Visit DZRH; More Cabinet Members to Resign

Radyo hataw headlines/july 15, 2005


1---Mga Estrada…..Mag-Re-Resign Daw Kung Totoo Ang X-Tapes Scandal Ni Dating Pangulong Erap
Handang 'isuko' ng mga estrada ang kanilang kasalukuyang posisyon sa gobyerno kapag napatunayang 'authentic' ang tape na hawak ni ilocos sur gov. Chavit singson.
Ito ang hamon ni sen. Loi estrada sa kampo ni singson kaugnay sa tinaguriang x-tapes na inilantad nito kahapon.
Nakapaloob sa naturang x-tapes ang wiretap conversation ni dating pangulong joseph estrada at dating afp chief of staff joselin nazareno sa umano'y planong pagpapabagsak kay pangulong arroyo.
Sinabi ng senadora na handang magbitiw sa tungkulin si san juan mayor jv ejercito sakaling mapatunayang may basehan ang mga alegasyon ni chavit.
'Hihimukin' din umano niya ang anak na si senador jinggoy estrada na magbitiw sa pagiging senador.



2---Impeachment Complaint Laban Kay Gma….Makatutulong Daw Sa Ekonomiya – Ayon Sa Palasyo
Sinabi ni pres'l ignacio bunye na higit na makakabuti sa imahe ng pilipinas kung susunod ang oposisyon sa proseso ng konstitusyon.
Ipinagmalaki ni bunye ang nangyaring pagtaas ng piso at pag-akyat ng trading sa merkado na patunay lamang umano na hindi naapektuhan ng mga kilos-protesta ang ekonomiya ng bansa.
Higit rin umanong makapagpapakita ng political stability sa bansa kung tuluyan ng maipapatupad ang e-vat law.
Dahil dito, hindi rin naiwasan ni bunye na sisihin ang oposisyon sa ginawang pagharang sa implementasyon ng e-vat na umano'y malaki ang maitutulong sa pagbawi ng ekonomiya.









3---Dzrh…..Dinagsa Ng Daan Daang Katao Dahil Sa Medical, Dental At Optical Mission
Isang engrandeng medical-dental-optic mission ang idinaos ng dzrh bilang pasasalamat sa ika-66 taong anibersaryo nito sa serbisyo publiko at impormasyon.
Nilahukan ito ng iba't-ibang medical team mula sa pampubliko at pribadong sektor.
Daan-daang katao ang nakinabang sa libreng konsultasyon, libreng salamin sa mata at gamot , bunot ng ngipin maging ang vasectomy para sa mga kalalakihan.
Nagkaroon din ng libreng payong legal para sa mga may katanungan sa kanilang kaso na pinangasiwaan ng public attorney's office at ng phil. Air force.
Idinaos din ang jobs fair para sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng malaki.
Handog-pasasalamat ito ng dzrh sa publiko sa walang sawang pagsuporta sa numero unong istasyon ng radyo
Sa pilipinas na naging bahagi na ng kasaysayan.



4---Nag-Resign Na Miyembro Ng Gabinete Ni Pangulong Gma….Madadagdagan Pa Daw
Marami pa umanong miyembro ng gabinete ni pang. Arroyo ang magbibitiw sa puwesto.
Sinabi ni dating pres'l. Adviser for peace process teresita deles na tiyak na may mga miyembro pa ng gabinete na susunod sa ginawa nilang pagbibitiw.
Kasama si deles sa tinaguriang 'hyatt 10', ang pitong cabinet member ta tatlong pres'l. Appointee na kumalas kay gma matapos lumutang ang 'hello garci cd'.
Tinukoy ni deles na marami sa mga miyembro ng gabinete ang nagdududa na rin sa krediblidad at kakayanan ni gma na mamuno ng maayos.
Ginawa ni deles ang pahayag sa isang press conference sa harap ng foreign correspondents assn. Of the phils.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?