Monday, July 18, 2005

 
Radyo hataw headlines/july 18, 2005


1---Transport Groups….Nagbantang Maglulunsad Ng Transport Strike
Nagbanta ang piston ng panibagong tigil-pasada bunsod ng panibagong serye ng pagtataas ng presyo ng langis.
Sinabi ni piston chairman mar garvida na una nilang ikakasa ang noise barrage laban sa mga oil company sa miyerkoles.
Tinukoy ni garvida na nagiging inutil na ang gobyerno gayundin ang consumer oil price watch sa harap ng sunud-sunod na dagdag-presyo sa krudo.
Hindi rin kumbinsido si garvida sa dahilan ng mga oil players na sumusunod lang sila sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market na umano'y isang gimmick lamang.
Sa halip, ibinunyag nito ang umano'y kasunduan ng oil producing countries at ng mga lokal na kumpanya ng langis na hindi sila magtataas ng presyo sa loob ng limang taon.



2---Second Wave Ng Cabinet Resignation…..Hindi Raw Totoo – Ayon Sa Palasyo
Minaliit ng palasyo ng malacanang ang kumakalat na balitang meron pang susunod na sigwada ang maramihang pagbibitiw sa opisyal na pamilya ng pangulong gma.
Ayon kay presidential spokesman ignacio bunye, haka-haka lang ang mga kumakalat na impormasyon kaugnay sa ikalawang bugso ng maramihang pagliban ng gabinete sa pamahalaang arroyo.
Sinabi pa ni bunye, nakausap niya ang ilan sa miyembro ng gabinete at kampante umano siya na hindi magbibitiw ang mga ito batay sa mga pahayag na binitiwan sa pakikipag-usap.
Ginawa ni bunye ang pahayag matapos magbitiw ngayong araw ang dalawa pa sa gabinete ng pangulo, kasunod ang pagbitiw rin kahapon ni communications dir. Silvestre afable.








3---Sona Ni Pangulong Gma Sa Lunes…Pinaghahandaan Na
Naghahanda na ang malakanyang at ibang grupo sa nakatakdang state of the nation address ni pangulong arroyo sa lunes.
Kasabay nito, sinimulan na ng oposisyon at militanteng grupo ang countdown sa nalalapit na sona ni gma.
Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng mga nasabing grupo ang panibagong kilos-protesta na ikakasa sa hulyo 25.
Target ng mga nasabing grupo na doblehin ang bilang ng mga ralyistang nakiisa sa malaking pagkilos na inilunsad noong hulyo 13 sa ayala avenue, makati.
Maging ang hanay ng pulisya ay naghahanda na rin sa naturang okasyon lalu na at magsasagawa ng kilos-protesta ang ibat-ibang grupo.
Umapela naman ang bayan sa afp at pnp na huwag na nitong harangin ang mga pwersa na magmumula sa iba't ibang probinsya na nais sumuporta sa gagawing pagkilos.

4---80 Katao….Biktima Ng Galunggong Na “Cory” Sa Maguindanao
Mahigit kumulang sa 80 katao ang umano'y bahagyang nalason sa pag-kain ng isdang binasagang 'cory' sa lalawigan ng maguindanao.
Nalason ang mga residente sa north upi, maguindanao, matapos kumain ng isadang 'lupoy' na kahawig ng galunggong noong sabado.
Isinugod sa north upi district hospital ang humigit kumulang 80 residenteng 'highlander' matapos makaramdam ng matinding pananakit ng tyan, pagkahilo at pagsusuka.
Wala namang namatay sa 'food poisoning' na hinihinalang dahilan sa mataas na antas ng kemikal na taglay ng isdang lupoy.
Sinabi ni joven areste, residente sa north upi, na karamihan sa mga 'nadale' ng food poisoning ay mga taga-north upi na nakatira sa mataas na lugar.Samantala, iniimbestigahan na ng mga medical experts ang naturang isda upang matukoy kung anu ang naging sanhi ng pagkalason.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?