Tuesday, May 31, 2005

 

Headlines: Labor Groups Push 125 Legislated Wage Hike, Senate Summons Jueteng Bagmen, Palace Admits Corruption

Radyo hataw headlines/may 31, 2005
1---mga manggagawa…hihirit ng legislated wage increase
lalong lumakas ang loob ng mga militante na isulong sa kongreso ang panukalang 125-legislted wage increase.
Ito ay matapos maglabas ng desisyon sa apat na rehiyon ang mga reg'l wage board sa bansa kung saan itinaas ng 25 piso ang minimum wage sa ncr, 15piso sa central visayas at 20-piso naman na dagdag sa cola sa region i at cordillera.
Magsasagawa ng kabi-kabilang kilos protesta ang mga grupo ng bukluran ng manggagawang pilipino, kilusang mayo uno at partido ng manggagawa sa harap ng kamara upang igiit ang nasabing panukala.
Hinamon ni bmp sec. Gen. Leody de guzman ang mga kongresista na tindigan ang kanilang karaingan lalo pa't nakatakda ng tumaas ang singil sa pasahe at mga presyo ng bilihin dahil sa pinagtibay na vat.
Nagbanta naman ang kmu na magsasagawa sila ng malawakang welga upang ipakita ng husto sa gobyerno ang kanilang pwersa at sentimyento.

2---jueteng bagmen…..gigisahin sa senado
ipatatawag ng senado ang mga tinutukoy na 'bagmen' ni self-confessed jueteng operator wilfredo mayor.
Ito ang inihayag ni senate president franklin drilon matapos pangalanan ni mayor ang ilang kongresista, mga opisyal ng pulisya at media na tumatanggap ng payola.
Ayon kay sen. Drilon, magkakaroon ng 'lead' ang mga senador upang malaman kung totoo ang mga alegasyon ni mayor at hindi pawang 'hearsay' lamang.
Tiniyak naman ni sen. Manny villar jr, chairman ng senate committee on public order na ipatatawag nila sina vice mayor arthur naguit ng minalin, pampanga, alyas katoy, loeo katigbak at rene maglaki ng dotc.
Ibinunyag ni boy mayor sa testimonya nito isang alyas katoy ang siyang bagman ni pres. Son at cong, mikey arroyo ng pampanga na umano'y nagdedeliver ng 600 libong piso kada buwan.
Kabilang rin sa mga padadalhan ng subpoena ay sina spo1 charlie biazos, na diumano'y bagman ni cong. Carlos imperial, alyas jojie, bagman umano ni cong. Joey salceda at alias kaloy na bagman ni dating congresswoman krisel lagman-luistro.

3---talamak na katiwalian sa pamahalaan…inamin ng palasyo
aminado ang malakanyang na talamak na ang problema ng katiwalian sa pamahalaan.
Dahil dito, hindi na ikinagulat ng palasyo ang resulta ng survey ng social weather stations na nagsasabing ang armed forces at ang gov't. Service insurance system ang pinaka-corrupt sa mga ahensya ng gobyerno.
Ayon kay pres'l. Spokesman ignacio bunye, labis na nalungkot si pangulong arroyo sa naging resulta ng survey ng sws.
Magsisilbing 'eye-opener' umano ito sa gobyerno upang pag-ibayuhin ang kampanya laban sa graft and corruption sa pamahalaan.
Katwiran ni bunye, ang bawat sentimo na napupunta sa korupsyon ay nababawas sa mga proyektong laan sa mga mamamayan.
Aminado si bunye na bagama't seryoso ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa katiwalian ay hindi ito magtatagumpay kung wala ang suporta ng taumbayan.

4---presyo ng mga pangunahing bilihin….mataas pa rinnanatili ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong buwan ng mayo.
Batay ito sa naging pagsusuri ng bangko sentral kaugnay sa inflation rate sa kasalukuyang buwan.
Ayon kay bsp deputy governor amando tetangco jr., posibleng maglaro sa 8.1 hanggang 8.6 na porsyento ang antas ng implasyon ngayong mayo.
Wala umano itong malaking pagkakaiba sa implasyon noong abril.
Tinukoy ni tetangco na bagaman bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay posibleng hindi pa rin malayo sa april inflation rate ang mangyari sa mayo.
Samantala, posible umanong pumalo sa 9.7 percent ang inflation rate ng bansa sa buwan ng agosto kung saan maitatala ang malaking pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Idudulot ito ng epekto ng pinagtibay na batas sa dagdag-vat gayundin ang mga pagtaas sa presyo ng langis at sa minimum na sahod.

Friday, May 27, 2005

 

Headlines: P20 COLA increase in CAR/CL, No Price Increase, Stop Jueteng, Bird Flu Virus Alert

1---beinte pesos na cola…ibinigay sa mga manggagawa sa cordillera at central luzon
Inaprubahan ng wage board sa cordillera at central luzon ang 20 pesos na cola o cost of living allowance para sa mga manggagawa sa dalawang rehiyon.
Taliwas ito sa wage order o totoong umento sa suweldo na hinihingi ng mga unyon at samahan ng mga manggagawa sa buong bansa matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, serbisyo at gasolina.
Sinabi ni labor undersec. Ernesto bitonio na magkakabisa ang inaprubahang 20 pesos na c-o-l-a sa cordillera administrative region at central luzon sa hunyo 15.
Saklaw ng dagdag na allowance ang baguio city, la trinidad, itogon, tuba, sablan, at mt. Province, at ang mga lalawigan ng bulacan, pampanga, bataan, zambales, nueva ecija, tarlac at aurora.
Hindi alam ni bitonio kung kailan maglalabas ng wage order o katulad na desisyon ang iba pang regional wage board kabilang ang nat'l. Capital region o kalakhang maynila.
Matagal nang iginigiit ng mga samahan ng manggagawa ang umento sa suweldo sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, mga bilihin at serbisyo, at pasahe.

2---presyo ng sardinas, instant noodles at gatas….di raw tataas – ayon sa dti
Sa panayam ng dzrh, sinabi ni dti sec. Juan santos na nagbigay ng commitment ang mga food manufacturers sa pamahalaan matapos lagdaan ang expanded value added tax law.
Ayon kay santos, nangako ang mga manufacturer na walang gagalaw sa presyo mula ngayong buwan hanggang sa darating na buwan ng disyembre.
Kabaligtaran naman ito sa price monitoring report ng dti na biglang paggalaw ng ilang delatang pagkain na tumaas ng piso gayundin ng presyo ng gulay na gumalaw ang presyo mula 5 hanggang 10 piso sa loob ng isang buwan.
Nagpadala agad ng tauhan ang dep't. Of trade & industry sa divisoria, maynila, upang ipasuri ang presyo ng mga itinitindang school supplies.
Isang araw makaraang dumalaw ang pangulo sa divisoria ay bigla umanong tumaas ang presyo ng mga panindang gamit sa eskuwela.

3---pnp…tinawanan ng oposisyon sa pagsasabing tigil na ngayon ang jueteng
Ayon kay senate minority leader aquilino pimentel na isang malaking kalokohan ang deklarasyon ng p-n-p dahil lantad naman sa publiko ang operasyon nito.
Sa panig naman ni sorsogon rep. Francis escudero, isang malaking insulto sa taong bayan ang naturang pahayag dahil alam naman ng mga residente na kalat na kalat pa rin sa maraming lugar ang jueteng.
Duda rin ang oposisyon kung may kakayahan ang gobyerno na tuluyan na itong burahin sa bansa dahil tiyak umanong ito ay muling magsusulputan matapos ang ilang buwan.
Nagduda si laguna cong. Benjamin agarao, kung kaya itong panindigan ng pnp, at sabihing permanente na ito.
Kaisa ang kongresista sa paniniwalang ito'y pansamantala lamang habang mainit na pinag-uusapan, gaya ng nangyayari sa kanilang lalawigan ng laguna.

4---health officials…inalerto dahil sa bird flu virus
Inalerto ng malakanyang ang dept. Of health at ibang gov't agencies na tiyaking hindi makapapasok sa bansa ang bird flu virus.
Ito ang tugon ng palasyo matapos maiulat ang pagkalat ng bird flu virus sa china at india.
Ayon kay president'l spokesman ignacio bunye, mahigpit na ipagbabawal ng mga otoridad ang pagpasok ng lahat ng uri ng ibon na posibleng may avian flu virus.
Kaugnay nito, labis nang 'nag-aalala' ang mga siyentipiko sa 'nakamamatay' na bird flu virus na posibleng kumitil ng 7.5 milyong katao.
Naalarma ang iba't-ibang bansa matapos lumabas sa isang pag-aaral na malapit nang maging 'pandemic' na papatay sa milyon-milyong katao.
Ayon kay prof. Albert osterhaus ng erasmus medical center sa rotterdam, netherlands, posibleng pumatay ng mahigit 7 milyong katao o higit pa ang "h-5-n-1" virus na mas kilalang avian flu.
Umabot na sa 90 katao ang apektado ng virus sa timog-silangang asya kung saan 54 na katao na ang nasasawi.
Kasalukuyang kumakalat na ang sakit sa mga bansang indonesia, japan, taiwan,vietnam,cambodia,thailand, laos,china,pakistan,south korea at iba pa.

Thursday, May 26, 2005

 

Headlines: Wage Order Tonight, Legislated Wage Hike Unlikely, PNP Deployes Validating Team, Tarongoy Alive - DFA

1---wage order para sa taas sa suweldo ng mga manggagawa…posibleng ilabas na ngayong gabi
posibleng ilabas na mamayang gabi ng mga regional wage board ang umento sa sahod.
Sa panayam ng dzrh, sinabi ni labor sec. Patricia sto. Tomas na ilang wage board ang posibleng mag-announce na ng desisyon sa umento sa suweldo kabilang ang wage increase para sa rehiyon ng cordillera at rehiyon ng ilocos.
Tiniyak ni sto. Tomas na susunod na rin ang apat pang rehiyon kabilang na ang nat'l capital region o metro manila na nakatakda namang ihayag sa susunod na linggo.
Gayunman, nilinaw ni sto. Tomas na wala siyang ideya kung magkano ang halagang inaprubahan ng wage boards bilang karagdagan sa minimum na pasuweldo sa mga rehiyon.

2---legislated wage hike…malabo na malabo nang maisulong at maipatupad sa kongreso ang panukalang p 125 legislated wage increase.
Ayon kay makati rep. Agapito 'butch' aquino, lalong lumiit ang pag-asang maaprubahan ang pagsasa-batas ng p125 na umento sa sahod dahil sa nalalapit na pagsasara ng sesyon sa kongreso.
tinukoy ni aquino na ipinauubaya na rin ng liderato ng kongreso sa pribadong sektor at sa mga regional wage board ang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Sinabi ni aquino na madalas na mabigong maisalang sa plenaryo ang isyu sa umento dahil tuwing pag-uusapan ito, kulang sa quorum ang mga kongresista.
Kamakailan ay nagbigay ng 'ultimatum' si pangulong arroyo sa dept. Of labor at sa mga regional wage board na pag-aralan ang umento sa sahod bago matapos ang buwan ng mayo.

3---validating team…ipinakalat ng pnp para alamin kung wala na bang jueteng sa luzon
ito ay kaugnay ng pagwawaka ng 48-oras na deadline para sa mga ibat-ibang tanggapan ng pnp na siguruhing wala nang jueteng sa kanilang mga lugar na nasasakupan.
Ayon kay chief superintendent florante baguio, hepe ng police anti illegal gambling task force, ang validating teams ay ipinakalat sa dalawampung mga bayan sa bicol region, maging sa mga munisipalidad ng bauan, padre garcia, san nicolas at taal sa batangas, at san pablo city sa laguna.
Binigyan ni baguio ng deadline ang mga local police commander na magsumite ng compliance report bukas alas-singko ng hapon.
Ayon kay pnp spokesman leopoldo bataoil, kapag nabigo ang mga hepe ng pulisya sa sugpuin ang jueteng, ay tiyak na ipatutupad ang one strike policy, kung saan sa unang pagkakataon pa lamang ay maaari nang masibak ang sinumang opisyal kapag hindi napatigil ang jueteng sa kanilang lugar.
Unang nang idineklara ng pnp na wala nang jueteng sa ilocos, cagayan valley, central luzon, maging sa metro manila.

4----roberto tarongoy…buhay pa rin daw matapos ang mahigit anim na buwan, nananatili pa ring bihag sa iraq ang pinoy accountant na si roberto tarongoy.
Nilinaw ni foreign affairs spokesman bert asuque na buhay pa si tarongoy sa kabila ng napakatagal nang negosasyon para sa paglaya nito.
Tiniyak ni asuque na hindi pinababayaan ng gobyerno si tarongoy at nakatutok pa rin dito si foreign affairs undersec. Rafael seguis.
Sa katunayan, tinukoy ni asuque na humingi na rin ng tulong si seguis sa mga muslim leader sa riyadh sa pagsisikap na mabawi si tarongoy.

Tuesday, May 24, 2005

 

Headlines: Protests Vs. E-vat, Fare Hike suspended, Wage Hike this week, PAF Plane Crashed

1---malawakang protesta laban sa expanded vat…ilulunsad ng mga militanteng grupo

Naghahanda na ng malawakang kilos protesta ang ilang militanteng grupo matapos lagdaan ni pang. Arroyo ang e-vat law.
Kasama ng mga militanteng grupo ang ilang kilalang lider at miyembro ng oposisyon na mariing tumututol sa bagong value added tax law.
Naniniwala ang ilang mambabatas na sa halip na makatulong, lalong magpapalala sa kahirapan ang batas na nilagdaan ni gma.
Sinabi naman ni senate minority leader aquilino pimentel jr. Na maghahain sila ng petisyon sa korte suprema upang pigilan ang implementasyon ng bagong batas sa vat.
Sa ilalim ng e-vat law, may kapangyarihan ang pangulo na itaas sa 12 porsiyento ang kasalukuyang 10 porsiyentong vat sa mga produkto at serbisyong saklaw ng nasabing buwis.
Binabatikos ng iba't-ibang sektor ang kontrobersyal na e-vat dahil sa idudulot nitong pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.


2---singil sa pasahe…hindi pa itataas sa huwebes – ayon sa ltfrb

Wala pang pagtataas sa singil sa pasahe na ipapatupad sa huwebes.
Ito ang sinabi ni ltfrb board member felix racadio sa panayam ng dzrh.
Ayon kay racadio, ilang araw matapos aprubahan ang bagong pasahe, hinarang umano ng ilang oppositors ang desisyon ng ahensya.
Naghain ng motion for reconsideration ang mga oppositors ng bagong fare hike dahilan upang hindi ipatupad ang implementasyon nito.
Ibig sabihin, hindi pa umano maaring maningil ng dagdag na 2 piso mula sa minimum na 5.50 pasahe sa kasalukuyan sa jeepney at 6 pesos sa ordinaryong bus.


3---desisyon sa taas sa suweldo…ilalabas ngayong linggong ito

Ilalabas na ngayong linggo, kaugnay ng inaasahang pagtaas ng pasahe ang umento sa sweldong hinihingi ng mga manggagawa.
Ayon sa palasyo, mas-maaga sa june 1 deadline na itinakda ng pangulo ang paglalabas ng desisyon.
Sinabi ni presidential spokesman ignacio bunye, meron na umanong desisyon ang mga wage board sa petisyon.
Batay sa nakuhang impormasyon ni bunye sa dept. Of labor and employment, posibleng ibaba na ito bago matapos ang linggo.
Sa huwebes, inaasahan na sanang tataas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeepney at ordinaryong bus ngunit sinupinde muna ito ng ltfrb.


4---mga kagawad ng media…sinimulan ng gustong “suhulan” ng mga jueteng lord

Nagsimula nang kumilos ang mga 'galamay' ng mga jueteng lords upang mapagtakpan ang mga ilegal na aktibidad nito.
Tinangkang suhulan ng isang jueteng operator ang ilang kagawad ng media upang 'pagtakpan' ang mga malalaking pangalan na nasasangkot sa jueteng scandal.
Ibinunyag ng isang senate reporter na inalok siya ng 25 libong piso para huwag isama ang pangalan ni alleged jueteng lord bong pineda. Ang 25 libong piso umano ang kabayaran sa mga senate reporters para hindi maidawit ang pangalan ni pineda sa kasagsagan ng committee hearing ng senado sa jueteng. Matatandaang ibinunyag ni congresswoman imee marcos ng ilocos norte ang planong 'pag-likida' ng mga jueteng lords kay gov. Grace padaca ng isabela at archbishop oscar cruz na aktibo sa kampanya laban sa jueteng.

5---philippine airforce…nagluluksa na naman matapos bumagsak ang isang trainer plane bumagsak ang isang air force 'training plane' sa baguio city kaninang tanghali. Patay sa crash ang apat na tinyente ng air force kabilang ang flight instructor at ang tatlo niyang estudyante. Patay on-the-spot sina lt. Roberto manlongat, flight instructor, lt. Aristotle angullan at lt. Randy gabriel. Namatay naman si lt. Dennis abaygar habang ginagamot ng mga doktor sa baguio city general hospital. Bumagsak ang sinasakyan nilang cessna high-wing 172-d aircraft ilang minuto matapos umalis sa loakan airport sa baguio city patungo sa san fernando air base sa lipa city. Sinabi ni air force spokesman col. Restituto padilla na iniimbestigahan na ng air force ang naging diprensya ng bumagsak na eroplano.

Monday, May 23, 2005

 

Headlines: Jueteng Lords Snub Congress, Rich and Poor Senators, PNP Revamp, Seneres Resigns

1---mga jueteng lord…inisnab ang kongreso
hindi sinipot ng mga kilalang big time gambling lords ang pagdinig sa kamara ukol sa panukalang legalisasyon sa jueteng.

Tinukoy ni committee on games & amusement chairman cong. Joel almario na mahigit 100 gambling lords ang kanilang inimbitahan sa nakatakdang hearing ngunit apat lamang ang dumalo kanina.

Nagmula ang naturang listahan batay sa report na isinumite ng phil. Nat'l police sa kamara na naglalaman ng mahigit 200 pangalan ng mga may kinalaman sa jueteng kabilang ang ilang lokal na opisyal.

Lumabas sa naturang report ang talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Mariin namang kinuwestiyon ni zamboanga rep. Roseller barinaga ang kredibilidad ng naturang report dahil walang anumang paliwanag na ibinigay ang pnp kung paanong nadawit sa sugal ang bawat personalidad na napasama dito.

2---listahan ng mga mayayaman at mahihirap na mga senador…inilabas lumabas na ang listahan ng pangalan ng mga pinakamayaman at pinakamahirap na senador sa pilipinas.

Ito ay matapos magdeklara ang mga senador ng kanilang statements of assets and liabilities.

Nangunguna sa listahan ng mga pinakamayaman na senador si senador manny villar na may kabuuang asset na p620 milyon.

Pumangalawa sa listahan ng mga mayayaman na senador si senador ralph recto na may p241 milyon. Sumunod sa listahan sina senators ramon magsaysay jr p 153 milyon, jamby madrigal p 118 milyon, ramon 'bong' revilla p104 milyon, juan ponce enrile p 96 milyon at jinggoy estrada p 81 milyon.

Sinundan ito nina senador pia cayetano na may asset na p 71 milyon, miriam defensor santiago na p 69 milyon, panfilo 'ping' lacson na p 24 milyon.

Labing isang milyong piso naman ang idineklarang asset ni senador lito lapid na nahaharap ngayon sa isyu ng jueteng. Pinakahuli sa listahan si senador. Juan flavier na nagtala lamang ng dalawang milyong pisong assets.

3---nagsimula na ngayong araw ang malawakang balasahan sa hanay ng philippine nat'l police. Una ng nailipat ng pwesto si gen. Vidal querol kapalit ni ncr-police chief gen. Avelino razon na magsisilbi naman bilang bagong pnp directorial staff chief.

Kabilang rin sa maapektuhan ang iiwanang posisyon nina dir. Robert delfin ng intelligence dep't at deputy dir. Gen. Reynaldo velasco ng pnp administration.

Sa panayam ng dzrh, tinukoy ni pnp spokesperson leopoldo bataoil na 22 posisyon sa pnp ang mababakante ngayong taon sa nakatakdang pagreretiro ng ilang opisyal.

Sinibak na rin sa posisyon kahapon ang hepe ng isabela police na si sr. Supt. Gen. Napoleon estilles.

4---ambassador roy seneres…nagbitiw na sa tungkulin nagbitiw na sa posisyon si commissioner roy seneres ng nat'l. Labor relations commission o nlrc.

Sa panayam ng dzrh, sinabi ni seneres na hindi na siya nasisiyahang maging bahagi ng administrasyong arroyo at wala na umanong siyang ganang maglingkod para kay pang. Arroyo.

Naghain na si seneres ng liham ng pagbibitiw sa tanggapan ni labor sec. Patricia sto. Tomas at magkakabisa ito sa darating na miyerkoles.

Sinabi ni seneres na isa sa nagtulak sa kanya para mag-resign ay ang kawalang aksyon ng malakanyang sa mabibigat na problema ng bayan.

Limang milyong pilipino umano sa ngayon ang walang hanapbuhay at pitong milyon naman ang underemployed.

Ayon kay seneres, walang seryosong solusyong ginagawa ang malakanyang sa problemang ito at patuloy lamang ang pag-aaksaya sa 'resources' ng bayan.

Saturday, May 21, 2005

 

Headlines: Jueteng Legalization, Oil Prices, School Calendar, Fake Money

1---jueteng legalization…tinutulan ng mga mambabatas
Tinutulan ng ilang mga mambabatas ang panukalang gawing legal ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Ito ay sa harap ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal sa gobyerno partikular na ang first family na diumano'y tumatanggap ng jueteng payola.

Ayon kay cong. Hermilando mandanas ng batangas, hindi tugon ang isinusulong na legalisasyon ng jueteng upang masolusyunan ang talamak na ilegal na sugal sa bansa.

Hinimok rin ni mandanas ang pamahalaang magpatupad ng 'kamay na bakal' laban sa mga jueteng operators at seryosohin ang kampanya laban dito.

Hindi rin umano magandang tignan na ang gobyerno mismo ang nagsusulong na gawing legal ang sugal sa pilipinas.

Kinuwestyon rin ni mandanas ang pagiging 'bangka' diumano ng gobyerno sa pamamagitan ng phil. Amusement and gaming corporation o pagcor sa mga casino sa bansa.

Sakabila nito binatikos si mandanas at gov. Armand sanchez ng batangas na diumano'y sangkot sa operasyon ng jueteng sa lalawigan ng batangas.


2---presyo ng petrolyo sa world market…tumaas na naman
Bigla na namang tumaas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ito'y sa likod ng espekulasyon na pagbabawas ng produksyon ng opec at patuloy na strike sa french giant oil company total.

Ayon sa mga oil dealers sa new york, tumaas pa sa 47.08 ang bentahan ng langis para sa hunyo sa pagsasara ngayong biyernes.

Habang sa london, nagtaas rin ng 14 na sentimos ang brent north sea na natali sa 48.02 dolyar kada bariles.

Biglaang tumaas ang presyo ng krudo makaraan rin na ipahayag ni opec president sheikh ahmad fahd al-sabah na posibleng pag-usapan sa pagpupulong ng opec sa vienna, austria sa susunod na buwan.


3---school calendar…hiniling na baguhin
Inihain ni nacionalista president senador manny villar ang senate bill 565 na babago sa kasalukuyang school calendar ng bansa.

Ayon kay villar, ang bagong school calendar ay dapat isulong upang makaiwas sa sakit at perwisyo ang mga estudyante dulot ng tag-ulan at pagbaha.

Dagdag pa ni villar na kailangan na raw sumabay ang bansa sa international school calendar na nagsisimula sa setyembre, at nagtatapos sa buwan ng mayo.

Sinabi rin ni villar na kailangang maging bukas ang isipan ng mga mamamayan sa planong pagbabago.

Planong hingin ng senador ang opinion ng iba't-ibang sektor, kabilang na ang mga estudyante, guro, at mga magulang ukol dito.


4---fake money syndicate…nakalaboso
Nasakote ng mga operatiba ng nat'l bureau of investigation ang isang grupo ng sindikato na gumagawa ng pekeng pera.

Arestado sina josephine mallari, 43, nimfa cardenas, 22, josefina tanega, 32, rita amba, 44 at gerry cabante, 34.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang piraso ng pekeng p100, 200, at p500 sa isang safehouse sa san francisco, del monte, q.c.

Samantala, patuloy ang pagtugis ng mga kagawad ng nbi upang mahuli ang lider ng sindakato na kinilalang si eduardo pedrajas.

Pinag-iingat rin ng bangko sentral ng pilipinas at nbi ang publiko laban sa mga kumakalat na pekeng pera sa metro manila.

Friday, May 20, 2005

 

Headlines: Wage Hike Order Soon, Unemployment, Jueteng Probe, Media Attack

1---desisyon tungkol sa umento sa suweldo…ihahayag na anumang araw
Araw na lamang umano ang binibilang bago lumabas ang desisyon tungkol sa umento sa sweldo.

Ayon sa palasyo, inaasahan ang paglabas ng desisyon ng mga regional tripartite wage board sa darating na mga araw o susunod na linggo.

Sinabi ni presidential spokesman ignacio bunye na sa halip na mangamba ay dapat umasa ang mga manggagawa na nalalapit na ang inaasam na pagtaas ng suweldo.

Positibo si bunye na 'win-win' solution para sa mga manggagawa ang mananaig sa ilalabas na desisyon ng mga wage board.

Ginawa ni bunye ang pahayag sa harap ng banta ng mga employer na tataas ng husto ang antas ng unemployment sakaling magkaroon ng umento sa suweldo.

2---mga employer…nagbanta na dadami pa ang mga tambay dahil sa kawalan ng trabaho
Nagbanta ang employers confederation commission na tumungtong pa sa mahigit 5 milyon ang bilang ng mga tambay sa bansa.

Ito'y sakalit hindi magiging maganda ang resolusyon ng regional tripartite board sa petisyon ng mga mangagawa na dagdag na sahod.

Nakakuha naman ng kakampi ang ecop sa national wage and productivity commission.

Naniniwala rin ang nwcp na mas mabuti pang mababa ang sweldo ng mga manggagawa kaysa naman sa problemahin ang epekto ng lumalaking populasyon ng walang trabaho.

Sa mataas na sweldo, dapat ring asahan ng mga manggagawa ang mataas na antas ng pamumuhay.


3---imbetigasyon sa mga sangkot sa jueteng payola..ipinauubaya na lamang sa senado
Walang balak ang malakanyang na magpatawag ng independent investigation tungkol sa jueteng.

Ayon kay pres'l. Spokesman ignacio bunye, sapat na ang senate investigation dahil handa naman ang pangulo na sumailalim sa imbestigasyon ang sarili niyang asawa't anak.

Sagot ito ni bunye sa puna ng ilang sektor na maaaring 'mabahiran' ng pagdu-duda kung ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng dep't. Of justice at office of the ombudsman ang mag-iimbestiga kay first gentleman mike arroyo at pres'l. Son mikey arroyo.

Ayon sa mga kritiko, mahirap umasa ng patas na pagsisiyasat sa nasabing mga ahensya dahil kaya umanong 'impluwensyahan' ng office of the president ang kanilang magiging hatol.

Samantala, tiniyak naman ni bunye na nananatili ang posisyon ng palasyon na 'hands off' sa gagawing imbestigasyon ng senado sa asawa't anak ng pangulo.

4---sasakyan ng aksyon radyo sa dagupan city..pinagbabaril
Pinagbabaril ng hindi kilalang suspect ang sasakyan ng dwcm aksyon radyo-dagupan city noong huwebes.

Ang nasabing media vehicle ay gamit ni dwcm aksyon radyo dagupan station manager allan sison.

Binaril ang sasakyan sa tapat ng consuelo hotel sa nasabing lungsod kung saan dumadalo si sison sa isang kasalan.

Ilang ulit pinaputukan ng lalakeng armado ng kalibre 22 na baril ang mobile ng dwcm.
Ito na ang pang-sampung pagtatangka sa buhay ng mga mamamahayag sa bansa sa taong ito.

Kinundena ng nat'l. Union of journalists in the phils. Ang pinakahuling insidente ng karahasan laban sa isang kagawad ng media.

Thursday, May 19, 2005

 

Charging Mike and Mikey, Wage Hike Debate, Juday Santos on Tax

1---girst gentleman mike arroyo at cong. Mikey…kasuhan – ayon kay pangulong gma

Pinakakasuhan ni pang. Arroyo sa dept. Of justice ang sarili niyang asawa at anak kung totoong nakikinabang sila sa jueteng.

Ito'y matapos lumutang ang tatlong bagong testigo na magsasangkot kina atty. Mike arroyo at presidential son mikey arroyo sa operasyon ng jueteng sa bansa.

Ayon kay gma, kung merong matibay na ebidensya laban sa kanyang asawa't anak batay sa salaysay ng bagong witnesses ay dapat itong dalhin sa korte ng d-o-j.

Hinamon pa ni arroyo ang mga witness na ipagharap rin ng kaso ang iba pang isinasangkot sa operasyon ng jueteng upang magkaroon ng pagkakataon na malinis ang kanilang pangalan.

Ginawa ng pangulo ang direktiba upang ipakita na walang sinasanto ang pamahalaan kahit sino pa ang masagasaan sa kontrobersyal na operasyon ng jueteng sa bansa.



2---umento sa suweldo…pag-uusapan na sa lunes ng mga kongresista

Magsisimula na sa lunes ang mainitang debate sa kamara tungkol sa umento sa suweldong 125 pesos.

Tiwala naman si albay rep. Edcel lagman na lulusot sa kongreso ang naturang panukala sa kabila ng matinding pagtutol dito ng mga employer.

Binanggit ni lagman na hindi na dapat patagalin ang umento sa suweldo lalo't napipinto pang tumaas ang singil sa pasahe at presyo ng mga bilihin at serbisyo bunsod ng dagdag-vat.

May 'go signal' na ng liderato ng kamara ang deliberasyon tungkol sa umento sa suweldong 125 pesos.


3---juday santos….kinasuhan ng tax evasion ng bir
Isa na namang malaking pangalan sa showbiz ang ipinagharap ng kasong tax evasion ngayong araw.

Kaninang umaga, pormal na naghain ng kasong tax evasion sa dep't of justice si bureau of internal revenue commissioner guillermo parayno kasama ang mga kinatawan ng dep't of
finance laban sa sikat na soap opera queen judy anne santos.

Natuklasan ng bir na sa 14 milyong pisong kinita nito noong 2002, walong milyong piso lamang ang idineklara nito sa kanyang income tax return.

Si santos ang ikatlong artistang nahaharap sa tax evasion case kasunod nina richard gomez at regine velasquez.

Kasama rin sa mga kinasuhan ng bir sina tina aboitiz-juan at ang sikat na cosmetic surgeon joel mendez.


4---50 katao…naospital dahil sabay-sabay na nag-lbm o nagdumi
Mahigit sa 50 katao mula sa 22 baranggay sa bayan ng baybay, leyte ang isinugod sa ospital dahil sa lbm.

Ayon kay dr. Margie roa-olo, municipal health officer ng bayan ng baybay, nagsuka at nagdurumi ang mga pasyente na simulang isugod sa pagamutan noong lunes.

Hinihinala ni olo, nagmula ang outbreak sa supply ng tubig na ginagamit ng mga residente.

Bagamat pinag-aaralan pa lamang ang sanhi ng pagdurumi ng mga pasyente, ipinasuri na rin ang pinagkukunan ng supply ng tubig inumin ng posibleng kontaminado umano.

Kasalukuyang nasa western leyte provincial hospital at cabal hospital sa baybay ang mga pasyente.

Tuesday, May 17, 2005

 

Headlines: Tuition Fee Hike, School supplies hike, Media Killings

1---ched…kokontrolin daw ang pagtaas sa tuition fee
Aaksiyon na daw ang commission on higher education para pigilin ang pagtaas ng singil sa matrikula.

Sa panayam ng dzrh, tinukoy ni ched acting chairman dr. Carlito puno na hindi maaring tumaas ng higit sa 8.4-percent ang increase ng tuition at miscellaneaus fees ng mga eskwelahan.

Aminado si puno na hindi na uubra ang consultation process na ginagawa sa mga eskwelahan
dahil ang desisyon pa rin ng mga may-ari ang nasusunod sa pagtatakda ng matrikula.

Tinukoy ni puno na kailangang humingi muna ng approval sa ched ang mga eskwelahan na nagbabalak magtaas ng higit sa 8.4 porsyento.

Dagdag pa ni puno, may mga kaukulang parusa na ipapataw ang ched sa mga eskwelahang lalabag sa naturang kautusan kabilang na ang pag-rollback sa kanilang matrikula.

2---presyo ng school supplies…hindi daw tataas – ayon sa dti
Tiniyak ng dep't of trade & industry na hindi magtataas ang presyo ng mga school supplies ngayong darating na pasukan.

Sinabi ni trade asec. Norman jocson na nakipag-usap na ang d-t-i sa mga school supplies manufacturers, distributors at retailers at umapelang huwag itaas ang presyo ng kanilang produkto.

Kabilang dito ang amalgamated specialties corp. O amspec na siyang nangungunang producer ng mga papel, lapis at ballpen sa bansa.

Sang-ayon rin ang nat'l bookstore na hindi sila magpapatupad ng anumang price adjustment hangga't mapapanatili ng mga suppliers ang kanilang presyo.

Bumisita rin ang d-t-i sa iba't ibang palengke at tindahan sa metro manila at iniulat na wala pa ring pagbabago sa presyo ng mga school supplies kumpara noong isang taon.

3---kaso ng pagpatay sa tatlong mediamen…lutas na ba? Sabi ng pnp…lutas na…sabi naman ng mga kagawad ng media…hindi pa.

Ayon kay police chief sr. Supt. Pedro tango, pinuno ng task force newsman, nakilala na ng pulisya ang mga suspek na nasa likod ng pagpatay kina arnulfo villanueva, marlene esperat at philip agustin.

Ipinagharap na ng kasong murder ang 3 suspek sa pagpatay kay philip agustin kung saan idinadawit ng isa sa mga suspek ang pangalan ni mayor jaime ylarde ng dinggalan, aurora.

Napatay si villanueva matapos barilin habang gumagawa ng report tungkol sa iligal na sugal sa naic, cavite noong pebrero 16.

Si esperat naman ay isang kolumnista ng midland review na binaril sa loob mismo ng bahay nito sa tacurong, sultan kudarat.

Si agustin ay editor ng starline times record na binaril sa dingalan, aurora matapos ibunyag ang katiwalian sa lokal na pamahalaan ng dinggalan.

Kinontra ng nat'l union of journalist of the phils.ang naunang pahayag ng task force newsman at ayon kay n-u-j-p chairman inday varona, hindi sapat na basehan ang pagkakahuli sa mga suspek upang maideklarang lutas na ang isang kaso.

4---dating congressman na pumiyok sa jueteng payola…hinamon na lumantad
Ayon kay senador nene pimentel, dapat humarap sa publiko ang dating congressman para patunayang matapang ito at handang tumulong sa pamahalaan sa paglutas ng talamak na illegal numbers game.

Ginawa ni pimentel ang hamon matapos aminin ng kongresista na ilan sa mambabatas sa luzon at metro manila noong 90's ang tumatanggap ng tig-50 hanggang 100 libong pisong payola sa jueteng.

Iginiit ni pimentel na nararapat lamang na hubaran ng maskara ang mga opisyal na tumatanggap ng jueteng payola.

Samantala, nakahanda si senador lito lapid na makipag-sanib ng imbestigasyon sa senate committee on public order na pinamumunuan ni senador manny villar, jr.

Ginawa ni senador lapid ang pahayag matapos siyang pagdudahan ni senate minority leader nene pimentel, jr.

Na magiging bias ang imbestigasyon nito sa jueteng scandal.

Monday, May 16, 2005

 

Headlines: Jueteng, Shabu, Carnapping

1---isang grupo ng 'professional hired killers' ang diumano'y pinakawalan ng mga jueteng lords upang 'likidahin' si isabela gov. Grace padaca at archbishop oscar cruz.

Ito ang ibinunyag ni opposition congresswoman imee marcos ng ilocos norte matapos matanggap
ang impormasyong nahaharap sa panganib ang buhay ni padaca at archbishop cruz.

Ayon sa kongresista, nais ng mga jueteng lords na 'itumba' sina cruz at padaca upang hindi matigil ang 13 bilyong pisong 'jueteng industry' kada taon na pinakikinabangan ng ilang opisyal sa gobyerno.

Hinimok rin ni marcos ang liderato ng phil. National police na tiyakin ang seguridad ni padaca at cruz upang hindi matupad ang maitim na balak ng mga jueteng lords.

Hinamon rin ng mambabatas ang bureau of internal revenue na isakatuparan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga gambling lords at iwasan ang 'lipservice'.

2---naglabas na ang simbahang katoliko sa sorsogon ng pastoral letter laban sa illegal na operasyon ng jueteng sa lalawigan.

Sa dalawang pahinang pastoral letter ni sorsogon bishop arturo bastes, kinondena ng simbahang katoliko ang talamak na operasyon ng jueteng na lalong nagpapahirap sa mga maliliit na mamamayan.

Partikular na binanggit ni bishop bastes ang sorsogon city na talamak ang jueteng operation dahil sa tatlong beses sa isang araw ang bolahan.

Kaugnay nito, hiniling ng sangguniang panlalawigan sa department of justice na imbestigasyon ang mga opisyal

At operator na sangkot sa jueteng sa sorsogon.

Sa naturang resolusyon, isinabit sina sorsogon gov. Raul lee, police superintendent saadra gani, police senior superintendent arnold revilla at mga di umano'y operator ng jueteng na sina captain arvin liao ng barangay pi-ot, sorsogon city; leony lim ng gubat, sorsogon at jovic duran ng talisay, sorsogon city.

Bilang reaksyon, inihayag naman ni jovic duran na handa niyang harapin ang mga nag-aakusa sa kanya at lilinisin ang kanyang pangalan kahit makarating pa sa senado.

3---milyon-milyong pisong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu ang nakumpiska sa isang warehouse sa san francisco del monte, bulacan.
Nabatid na inupahan ng isang nagngangalang johnson, chua, isang taiwanese national ang warehouse na ginawang imbakan ng mga kemikal sa paggawa ng shabu.
Samantala, isa pang hinihanalang shabu laboratory ang nilusob ng mga tauhan ng pulisya sa cagayan de oro.
Nasamsam ng mga otoridad sa naturang lalawigan ang 54 kahon at anim na drums ng mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu.

4---kinasuhan ng 'carnapping' ng dept. Of justice ang 10 opisyal ng phil. Nat'l police criminal investigation division group.

Batay sa dalawang pahinang resolusyon ni prosecutor george catalan, jr., pinaka-kasuhan sa hukuman ng paglabag sa anti-carnapping law ang sampung opisyal ng pnp-cidg.

Kabilang sa mga nahaharap sa kasong 'carnapping' ay sina sr. Insp. Pepito garcia, inspectors joven trinidad, angelo nicolas at spo2 adolfo de ramos at severino busa.

Nahaharap din sa kahalintulad na kaso sina po3 josefina callora, po3 renato gregorio, po2 rogie pinili, po2 rogelio rodriguez at po1 richel creer.

Weather---bababa ang temperatura ng init sa mga darating na araw ayon sa pagasa.

Bumalik na sa normal ang kondisyon ng pagasa ayon sa meteorologist ng pagasa na si nonoy about.

Sa manila, ang temperatura ay umabot sa 36.9 celsius habang sa tugguegarao ay umabot hanggang 38.8 celsius bandang alas 2 p.m. Nung isang linggo.

Ayon sa about, ang ating atmospera ay papunta na umano sa tinatawag nilang 'thunder storm genesis', na ang ibig sabihin ay maaring umulan sa katapusan ng mayo o sa darating na hunyo.

Saturday, May 14, 2005

 

Headlines: Cha-Cha, GOCC Officials' Perks, 4 mediamen's life threatened

1---charter change…binuhay na naman

nabuhay na naman ang panukalang amyenda sa saligang batas at positibo ang malakanyang na pabor ang mga mambabatas sa ganitong hakbangin.

Ayon kay gabriel claudio, deputy sec. Gen. ng lakas, mayroong 'consensus' o pagkakasundo sa administrasyon at oposisyon upang isulong ang 'chacha' o charter change.

Dagdag pa ni claudio na kung may hindi pabor sa pag-aamyenda ng konstitusyon ay minimal o maliit na grupo lamang ito.

Ayon kay claudio, napapanahon na rin umano ang pag-aamyenda sa konstitusyon upang mabago ang sistema ng pulitika at ekonomiya sa bansa.

Nauna rito, inihayag ni pangulong arroyo na ang ammendments sa 1987 constitutional ang susunod na hakbang ng administrasyon bilang bahagi ng kanyang anti-poverty agenda.

Ngunit, mariin itong tinutulan dahil sa hindi ito sagot sa kasalukuyang problema ng bansa.

Ayon kay prof. Philip lustre, political analyst, hindi dapat na baguhin ang saligang batas dahil sa hindi pa lahat ng probisyon nito ay naipatutupad.

2---mataas na suweldo at benepisyo sa mga gocc…inupakan ng militanteng grupo
Ito ay dahil sa pagbalewala sa kahilingan ng taumbayan na itaas ang suweldo ng mga manggagawa at lutasin ang mga pangunahing problema ng bansa.

Ayon kay labog, pangulo ng k-m-u, ipokrita at doble-kara ang pagtitipid ng gobyerno. Aniya, dapat unahin ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng taumbayan.

Idinagdag din ni labog na dapat nang asikasuhin ng gobyerno ang naantalang panukalang batas na 125-peso across-the-board wage increase.

Iginiit pa ni labog na hindi totoong mamamatay o magsasara ang mga kumpanya kapag itinaas ang sahod. Ito ay gawa-gawa lamang upang di-mabawasan ang kanilang higanteng kita.

3---apat na kagawad ng media kabilang na ang isang reporter ng mbc…may death threat

tumanggap ng "death threat" ang isa sa reporter ng manila broadcasting company sa lalawigan ng iloilo.

Ang reporter ay kinilalang si johnny diaz ng mbc-aksyon radyo-iloilo.

Sa liham ni john paul tia, station manager ng aksyon radyo iloilo, isinumbong nito sa national union of journalist of the philippines ang pagtanggap ni diaz ng banta sa kanyang buhay matapos ang expose' sa illegal drug trade na sangkot ang ilang opisyal ng pulisya.

Bukod kay diaz, tumanggap din ng death threat sina gilbert calderon ng visayan daily star, broadcaster annie bayoran at louie logarta, columnist ng daily tribune.

Ang tatlong journalist ay pinagbabantaan ng ilang aktibo at retiradong opisyal ng pulis na kanilang nabanatan sa kanilang pamamamahayag.

Kaugnay nito, hinamon ni nujp chairperson inday varona si pnp chief arturo lomibao na dapat patunayan nito na kaibigan niya ang mga journalist sa pag-aksyon sa mga banta at pagpatay sa mga mediamen.

4---pitong litong trycycle driver sa angeles city…may aids?

Ilang araw matapos maipalabas sa telebisyon ang kakaibang sideline ng mga tricycle driver sa lalawigan ng pampanga, inoobliga na ng lokal na pamahalaan ang mga ito na sumailalim sa aids test.

Ayon kay angeles city mayor carmelo lazatin, maaaring nagdadala na ng nakakahawang sakit na aids ang 7-libong tricycle driver sa lungsod na nagbibigay ng kakaibang serbisyo sa mga pasahero.

Batay rin sa behavioral surveilance study na ginawa sa lungsod mula 1997 hanggang 2001, ikinukunsidera umanong nasa 'high risk' ang sexual behavior ng mga driver.

Bukod sa pagkakaroon ng iba't-ibang kapartner sa sex, hindi rin umano gumagamit ng proteksyon ang mga driver na nagbebenta ng kanilang katawan bilang sideline.


Friday, May 13, 2005

 

Headliines: Media Priests Targets, Media KIlling Forum, Oil Price Rollback

1---hindi lang media kundi maging mga pari…target na rin ng mga pagpatay
Napatay kagabi ang isa na namang alagad ng simbahan sa bayan ng san isidro, leyte.

Kinilala ang naturang biktima na si rev. Edison lapuz, pastor ng united church of christ in the philippines o u-c-c-p at aktibong myembro ng promotion of church people's response o p-c-p-r.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si lapuz ay binaril dakong alas-syete kagabi matapos dumalo sa burol ng kanyang biyenan sa san isidro.

Tatlong armadong lalake ang lumapit kay rev. Edizon lapuz paglabas niya ng bahay kung saan nakaburol ang kanyang biyenan.

Hinawakan pa umano ang pastor sa ulo ng isa sa mga suspek at saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Kaagad na isinugod sa calubian hospital ang naturang pastor ngunit ito ay binawian na ng buhay matapos magtamo ng dalawang tama ng bala.

Kabilang rin sa napatay ang kasama ni lapuz na isang brgy. Kagawad na nakilalang si alfredo malinao.

Matagal na umanong nasa "hit list" ng intelligence service ng a-f-p ang pinatay na religious leader sa lalawigan ng leyte na si father edison lapuz.

Sa panayam ng dzrh, sinabi ni p-c-p-r chairperson fr. Allan arcibuche na mismong ang militar ang nasa likod ng serye ng pagpatay sa mga aktibista at iba pang kagawad ng simbahan.

Ayon kay arcibuche, si lapuz ay kabilang sa listahan ng sampung pangalan na unang patutumbahin ng militar dahil sa pagsuporta sa mga rebeldeng komunista.

Itinuro rin ni arcibuche si gen. Jovito palparan ng afp- western visayas na siyang utak sa krimen at sa iba pang kaso ng pinatay na aktibista sa kabisayaan.


2---mga kaso ng pagpatay sa mediamen…pangunahing paksa sa pulong ng media executives sa lunes

Nakatakdang magpulong ang mga media executives sa lunes upang talakayin ang isyu ng serye ng pagpatay sa mga journalist.

Tatalakayin sa meeting kung paano mabibigyan ng hustisya ang mga pinaslang na alagad ng media.

Pag-uusapan rin sa nasabing pagpupulong kung paano mag-iingat upang maiwasan at mapigil ang talamak na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Babalangkas rin ang mga kinatawan sa pulong ng memorandum of agreement upang matukoy kung paano gagamitin ang limang milyong pisong pondo na ibinigay ni house speaker jose de venecia para sa mga journalist.

Umabot na sa anim na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ang naitala sa bansa simula ngayong taong 2005.

3---rollback sa presyo ng petrlyo…di tiyak kung hanggang kailan
Ikinatuwa ni pangulong arroyo ang rollback na isinagawa ng shell at petron sa presyo ng gasolina.

Gayunman, aminado si pangulong arroyo na walang katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang rollback sa presyo ng gasolina at kailan muli magtataas ang presyo nito.

Hindi umano hawak ng gobyerno ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo dahil nakadepende ito sa world market.

Ikinatwiran pa ni pangulong arroyo kung meron lamang itong 'magic wand' ay gagawin niyang mababa ang presyo ng produktong petrolyo ngunit wala umano ito sa kanyang hurisdiksyon.

Dagdag pa ng pangulo na maging ang amerika na isang mayamang bansa ay problema rin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.


4---nbi..pumasok na sa kasong pagpatay kay philip agustin; mga suspek….tukoy na
Sinimulan na rin ng natl. Bureau of investigation ang imbestigasyon sa pagpatay kay philip agustin ng starline times recorder.

Base sa direktiba ng pangulong gloria macapagal arroyo, dapat tumulong na ang national bureau of investigation sa pagsisiyasat ng phil. National police sa nasabing krimen.

Personal na inutusan ng pangulong arroyo si n-b-i director reynaldo wycoco na magsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpatay kay agustin.

Si agustin ay binaril sa loob ng bahay ng dalawang suspek sa bayan ng dinggalan, aurora nitong nakalipas na martes.

Naglathala si agustin ng limandaang kopya ng kaniyang dyaryo sa umano'y katiwalian na kinasasangkutan ni dinggalan mayor jaime ylarte.

Tukoy na ng pulisya ang mga sangkot sa pagpatay kay philip agustin, publisher/editor ng starline times recorder sa bayan ng dinggalan, aurora.

Kinilala ni sr. Supt. Perfecto palad ang mga salarin na sina boyet morete at anuel alday.
Si morete ay isang miyembro ng gun-for-hire na sangkot din sa pagpatay sa isang pulis sa aurora.

Lumalabas din sa kanilang pagsisiyasat na malabo ang anggulong pinatay ang biktima dahil sa bentahan ng lupa sa dinggalan.

Samantala, itinuturo ni konsehal valentino lapuz at mga kamag-anak ng biktima na si mayor jaime ylarde ang responsable sa pagpatay sa mamamahayag.










5

Dalawampu't apat na proyekto pa ng dep't of public works & highways ang natuklasang "overprice."

Bukod sa 200-milyong pisong halaga ng overpricing road project sa catanduanes, nadiskubre rin ng pma class '59 ang iba pang kuwestiyonableng proyekto ng dpwh.

Sa panayam ng dzrh, sinabi ni ret. Commodore plaridel garcia na aabot sa anim na bilyong piso ang kabuuang halaga ng 25 overpriced project ng dpwh.

Tinukoy ni garcia na lumagpas ng 27 porsyento ang mga pinasok na kontrata ng dpwh para sa mga paggawaing bayan kumpara sa 19 bilyung pisong pondo na inilaan ng gobyerno para sa naturang mga proyekto.

Nagharap na kahapon ng petisyon ang pma class '59 sa korte suprema na ipatigil ang konstruksyon ng maanomalyang road project sa catanduanes.


Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad ang apat na suspek na pumatay sa mag-asawang yao sa quezon city kamakailan.

Arestado ng mga kagawad ng traffic management group ang apat na suspek na hinihinalang miyembro ng abuyog gang.

Kinilala ang dalawa sa apat na suspects na sina jerson garcia, 34 at gener castro, 42 na diumano'y responsable sa pagpatay sa mag-asawang yang.

Nasawi ang mag-asawang ephraim at gwendolyn yang nang holdapin ang mga ito at ratratin ang kotseng sinasakyan ng mga ito sa kahabaan ng e. Rodiriguez sa quezon city.

Tuesday, May 10, 2005

 

Headlines: Fare Hike Opposed, Wage Hike First, Powervty Rate Down?

1---taas sa singil sa pasahe…inuulan ng batikos ng mga militanteng manggagawa sa bansa
Nagtipon-tipon ang mga obrero sa welcome-rotonda na pinangunahan ng bukluran ng manggagawang pilipino upang tutulan ang panibagong dagdag-singil sa pasahe na inaprubahan ng l-t-f-r-b.

Ipinahayag ng b-m-p na ito'y hindi solusyon sa di- makatwirang pagtaas ng petrolyo kundi ito ay dagdag pasanin ng mga pilipino.

Binatikos ni teody navea, tagapagsalita ng b-m-p, ang pagiging inutil ng gubyerno sa tunay na kalagayan ng pilipino.

Imbes na dagdag na singil sa pamasahe ay dapat ibasura na lang daw ang oil deregulation law at magtaas ng umento sa sweldo.


2---dagdag sahod…unahin bago ang fare increase
Iba't-ibang reaksyon ang binitiwan ngayon ng transport sector kaugnay sa "fare increase" na ipapatupad ng land transportation franchise and regulatory board.

Ayon kay mar garvida ng piston, tanggap na nila na bubulyawan ng mga commuter ang mga tsuper dahil sa pagtaas ng singil sa pasahe.

Iginigiit ni garvida, dapat unahin munang ipatupad ng pamahalaang arroyo ang wage increase bago ang dagdag gastos sa kanilang pasahe.

Sinabi ni garvida na maghahain muna sila ng pansamantalang pagbinbin sa implementasyon ng bagong singil sa pasahe.

Sa kaso naman ng fejodap, o-k na umano ang dalawang pisong dagdag singil sa pasahe ng publiko dahil sa matutugunan na ng pamahalaan ang tugon ng publiko.

Sa panig naman ng philippine confederation of drivers and operators-alliance of concerned transport organization o pcdo-acto, kulang pa umano ang ipinatutupad na umento.


3---antas daw ng kahirapan sa bansa…bumaba…totoo ba ito?
Bumaba na ng 30 porsyento ang antas ng kahirapan sa bansa.

Batay ito sa report ng anti-poverty commission matapos italaga ang poverty threshold sa p31.37 kada araw.

Ayon sa a-p-c, mababa ito ng 2.5 percentage points sa loob ng tatlong taon na 30.4 porsyento ng populasyon sa taong 2003.

Mahigit labing tatlong porsyento lamang umano ang kumikita na mababa sa p21.11 na siya ring minimum amount para sa disenteng pagkain kada araw.

Samantala, base sa datos ng world bank, mahigit 40 porsyento sa mga pinoy ang kumikita ng mababa sa 2 dolyar o mahigit isang daang piso kada araw noong taong 2004.


4---tanggapan ng dilg…ninakawan
Ninakawan ng mga di pa nakikilalang suspek ang tanggapan ng dept. Of interior and local gov't o d-i-lg sa quezon city.

Batay sa report ni spo1 ruben reyes ng central police district station 10, dakong alas onse ng umaga nang madiskubre ng empleyadong si jun castillo ang nakawang naganap.

Nabatid na naganap ang nakawan sa ika-10 palapag sa opisina ng undersecretary for administration na si melchor rosales.

Kabilang sa mga ninakaw ay ilang set ng computer ink, fax paper, compact discs, stapler, paper hole punchers at staple wire removers na pawang nasa loob ng steel filing cabinet.

Tinatayang aabot ng apatnapung libong piso ang halaga ng mga office supplies na ninakaw.
Kamakailan ay 'tinaniman' ng bomba ng mga hindi pa rin nakikilalang suspek ang gusali ng d-i-l-g office na matatagpuan sa a. Francisco gold condominium sa edsa.

Monday, May 09, 2005

 

Headlines: P2 fare hike, P19M AFP sidewalk, E-Vat Bill Ratification

1---singil sa pasahe...tumaas ng dalawang piso

Ito ang desisyon ng ltfrb matapos na pag-aralang mabuti ang mga petisyong iniharap ng mga transport group.

Ayon kay ltfrb chairperson ma. Elena bautista, simula mayo 26, ang minimum na pasahe ay magiging p7.50 at karagdagang 25 sentimos sa bawat susunod na kilometro.

Saklaw ng desisyon ng ltfrb ang lahat ng mga pampasaherong jeepney at mga ordinaryong bus dito sa metro manila.

Meron ding hiwalay na desisyon ang ltfrb sa mga pampasaherong sasakyan sa ibat-ibang lalawigan sa bansa.


2---magarbong sidewalk sa loob ng kampo aguinaldo…inuulan ng batikos

Kaliwat-kanang batikos ang tumama sa liderato ng afp nang mabunyag ang 19 na milyung pisong pagpapagawa at pagpapaganda ng sidewalk sa loob ng kampo aguinaldo.

Tanong ni congressman crispin beltran ng anakpawis partylist group, ginto ba o pilak ang gagamitin sa sidewalks ng camp aguinaldo.

Binigyang-diin ni ka bel na kailangang imbestigahan at pigilin ng pangulong arroyo ang naturang hakbang lalu na at may mas maraming problema na dapat na kaharapin ng militar.

Nagbabala ang kinatawan na posibleng maulit ang oakwood mutiny kapag itinuloy ang naturang proyekto na hindi tugon sa karaingan ng mga sundalo sa bansa.

3---expanded value added tax bill…posibleng ratipikahan na bukas
Kumpiyansa si senate president franklin drilon na makalulusot na sa bicameral conference committee

Ang "compromise version" tungkol sa dagdag na value added tax.

Ayon kay senador drilon, umaasa siyang mararatipikahan na bukas, araw ng martes, ang e-vat sakaling makapasa na ang bicam report na ihaharap na rin bukas ng hapon.

Sinabi ni senador drilon na ang buod ng compromise version ng e-vat ay ang pananatili ng 10 percent hanggang sa katapusan ng taong 2005.

Subalit pagpasok ng buwan ng enero sa 2006, may "standby authority" ang pangulong arroyo na itaas ng 2-porsyento ang vat rate depende sa sitwasyon ng ekonomiya sa susunod na taon.

Kinumpirma rin ni drilon na nagkaroon ng consensus ang mga miyembro ng senate panel sa bicam matapos lumagda ang anim na senador sa bicam report.
Kabilang sa anim na pumirma sa bicam report ay sina ways and means committee


4---11 preso…pumuga sa osamiz city
Labing-isang bilanggo ang nakatakas sa isinagawang 'jailbreak' sa osamis city.

Batay sa impormasyong nakalap ng dzrh, kinilala ang mga nakatakas na sina joseph anore, melchor biliran, junivie diaz, julieto lumbayong, at war-war mansan.

Gayundin sa mga 'nakapuga' ay sina randy perocho, gedage odo, aner guiniran, reynaldo tanguamos, albert villamor, at jesse deal victoria.

Nakatakas ang mga preso habang mahimbing na natutulog ang mga jailguard ng nasabing piitan.

Nabatid na imbestigasyon ng phil. Nat'l police na winasak ng mga bilanggo ang solid cell sa pamamagitan ng paggamit ng steel saw dahilan upang makatakas ang mga ito.

Nadiskubre ang 'jailbreak' matapos ang isinagawang headcount ng mga jail warden ng naturang piitan.

Dahil dito, naglunsad ng malawakang pagtugis ang mga kagawad ng ozamis city police station para maaresto ang mga nakapugang pugante.

Saturday, May 07, 2005

 

Headlines: 3strike policy, PR firm, Single Moms' Benefits

1---strike 3 policy…tugon ng gobyerno sa hamong sugpuin ang jueteng

Nagbabala si pangulong arroyo sa mga opisyal ng pulisya na bibigyan lamang sila ng 3 pagkakataon upang masugpo ang jueteng sa kanilang lugar.

Ang strike three policy ang tugon ng pangulo sa mga hamon ng simbahan na aksyunan ang talamak na operasyon ng iligal na jueteng sa bansa.

Ayon kay pangulong arroyo, tatlong pagkakataon lamang ang ibibigay ng pamahalaan sa mga opisyal ng pulisya na mawalis ang jueteng sa bansa dahil hindi ito mangingiming patalsikin sila sa pwesto.

Kabilang sa mga opisyal ng phil. Nat'l police na naging 'biktima' na ng dating stratehiya ay sina dating pnp chief edgardo aglipay at ncrpo deputy dir. Avelino razon.

Si dating dept. Of interior and local gov't sec. Joey lina ang nagpasimula ng strike three policy na layuning wakasan ang iligal na sugal sa bansa.

Samantala, tutol ang liderato ng national capital region police office o n-c-r-p-o sa strike three policy ni pangulong arroyo

Ayon kay n-c-r-p-o deputy dir. Gen avelino razon, hindi naging matagumpay ang naunang pagpapatupad ng strike three policy na sinimulan ni dept. Of interior and local gov't sec. Joey lina.

Naniniwala si razon na hindi naging epektibo ang pagpapatupad ng strike three policy upang masugpo ang talamak na jueteng operations sa bansa.

Sinabi rin ni razon na hindi lahat ng dapat mapatalsik sa kanilang pwesto dahil sa kapabayaan sa trabaho ang napaparusahan.

Kailangan umanong magkaroon ng sistema ang isinusulong na strike three policy ni pangulong arroyo upang matiyak na magiging matagumpay ito.


2---mga senador…tutol sa kinuhang pr firm ng pangulong arroyo

Hindi sang-ayon ang ilang administration at opposition senators sa pagkuha ni pangulong arroyo sa serbisyo ng isang public relations firm para pabanguhin ang kaniyang administrasyon sa publiko.

Ayon kay senate majority leader kiko pangilinan, bagamat makakatulong ang p-r firm sa ilang paraan sa usapin ng pagpapagandan ng "image" ng pangulong arroyo.

Hindi naman aniya maaaring gamutin nito ang problema ng bansa, gaya ng matinding kahirapan at krisis sa pananalapi.

Binigyang-diin pa ni pangilinan na tanging ang sama- samang pagkilos nang taumbayan at nang mga lider na may paninindigan ang siyang makalulutas sa mga suliranin ng bayan.

Sinabi naman ni senate minority leader nene pimentel, jr., mahirap magkaroon ng magandang image ang pangulong arroyo kung bulok naman talaga ang mga produkto nito.

Sa panig ni senador manny villar, pabor siya na kumuha ng p-r firm si pangulong arroyo kung libre naman ito pero mas importanteng matugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng taumbayan.

3---benepisyo para sa mga single mom…isinulong sa senado

Naghain ng dalawang panukalang batas si senator manny villar na naglalayong mabigyan ng benepisyo ang mga single mom.

Ipinanukala ni senator villar ang senate bill 7-6-9 upang mabigyan ng maternity leave benefits ang mga buntis na kawani ng isang tanggapan kahit hindi ito kasal.

Aamyendahan ng naturang panukala ang article 1-3-3 ng labor code na nagsasaad na ang kasal na babae lamang ang may karapatang magkaroon ng maternity leave benefits.

Nilalayon naman ng senate bill 7-9-4 na pagkalooban ng personal exemption at dagdag na exemption ang mga dalagang ina para sa kanilang mga dependent na anak.

Kapag naisabatas ang senate bill 7-9-4, pagkakalooban ng basic personal exemption na 32,000 pesos at dagdag na exemption sa halagang 8,000 pesos sa bawat dependent ang isang single mom.

Samantala, nilinaw naman ni senator villar na hindi niya hinihikayat ang pagbubuntis nang hindi pa kinakasal, subalit kailangan umanong harapin ang katotohanang dumarami ang bilang ng mga dalagang ina sa bansa.

4---dalawang cellphone snatchers…hinatulan ng parusang bitay

Sinentensyahan ng parusang kamatayan ng bacolod city regional trial court ang dalawang cellphone snatchers sa lungsod.

Ipinabibitay ni regional trial court judge roberto chiongson, sina eduardo pandes yanson, 21, at vicente de la peña flores, 18, matapos mapatunayang guilty sa kasong robbery with homicide.

Sa desisyon ni judge chiongson, napatunayang sina yanson at flores ang nangholdap at pumatay kay michael salmorin noong enero jan. 29, 2004.

Nag-te-text noong gabi ng enero 29 si salmorin sa 22nd street malapit sa ama computer school sa bacolod city.

Bukod sa parusang bitay, pinagbabayad din ng danyos ang dalawa sa mga naulila ni salmorin na aabot ng mahigit 1 milyong piso.

Wednesday, May 04, 2005

 

Headlines: Media Killings, OIl price, Jueteng Probe

1---pamahalaan…nalungkot sa patuloy na pagpatay sa mga kagawad ng media sa pilipinas
labis na ikinalungkot ng malakanyang ang patuloy na pagdami ng kaso ng pagpatay sa mga mediamen sa bansa.
Ito ang reaksyon ng malakanyang sa report ng ng new york based committee to protect the journalist na ang pilipinas na ang 'most murderous place' sa mundo kung saan naunahan pa nito ang mga bansang iraq, colombia, bangladesh at russia.
Ayon kay presidential spokesman ignacio bunye, hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa pagtutok sa mga kaso ng mga mamamahayag na napapatay.
Sinabi pa ni bunye na patuloy na sinisikap ng special task force ng phil. Nat'l police upang malutas ang kaso ng mga mediamen na biktima ng pagpatay.
Sa pinakahuling report, isa na namang alagad ng media na si klein cantoneros ng dxaa sa dipolog city ang agaw-buhay matapos barilin sa dipolog city.
Wala pang biente-cuatro oras na ipinagdiriwang ang world press freedom day kahapon, isa na namang mediaman ang tinambangan sa zamboanga del norte, dakong alas-dose y media ng hatinggabi.
Pinagbabaril ng dalawang armadong suspek si klein cantoneros, commentator ng radio station d-x-a-a sa brgy. Sta. Felomina, dipolog city.
Papauwi na si cantoneros lulan ng kaniyang motorsiklo nang paulanan ng punglo ng mga suspek sakay ng isa ring motorsiklo sa tapat ng fullo machine shop sa lungsod ng dipolog.
Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang dalawang suspek.

2----petron…magtataas na naman ng presyo ng petrolyo
Magpapatupad ng panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang petron sa susunod na mga araw.
Ipinaliwanag ni industrialist & consumer advocate raul concepcion na ngayong buwan ay maaring magtaas ng 59 sentimo kada litro ng diesel ang petron at 86 sentimo kada litro sa gasolina.
Posible umanong ipatupad ng petron ang bagong oil price hike sa darating na may 16.
Ikinatwiran ni concepcion na kailangang bawiin ng petron ang dinanas na pagkalugi o underrecovery nitong nakalipas na buwan ng abril.
Umabot lamang umano sa 50 sentimo kada litro ang halaga ng itinaas ng petron kumpara sa shell na umabot sa 1.25 bawat litro.

3----'Pinagpawisan' si senador lito lapid sa pagtatanggol sa mga diumano'y protektor ng jueteng at jueteng lord.
Pinagtanggol ni senador lito lapid ang mga diumano'y prominenteng jueteng lord na sina bing pineda at cong. Mikey arroyo.
Kabilang rin dito ang anak nitong si pampanga gov. Mark lapid at dating pampanga prov. Director col. Rodolfo 'boogie' mendoza.
Ayon kay sen. Lapid, hindi pa naman napapatunayang si bong pineda ay isang jueteng lord at wala rin umanong tinatanggap na payola ang anak nitong si gov. Mark lapid.
Gaya umano ng gubernador siya sa pampanga, ipinagyabang ni senador lapid na hindi siya tumatanggap ng jueteng payola.
Samantala, inihayag din ni lapid na hindi pa nila maitatakda ang public hearing sa jueteng scandal dahil hinihintay niya ang listahan ng mga pangalang isusumite ni senate minority leader nene pimentel para ipatawag sa senado.

Monday, May 02, 2005

 

Headlines: Wage Hike, P1 OIl Price Hike, Abat's Case, 19 Food Poisoned

1---malakanyang…urung-sulong sa panukalang umento sa suweldo
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib! Ito marahil ang nais isalarawan ng mga labor group sa panibagong pahayag ng malakanyang nang sabihin nitong maaaring hindi maibigay ang umento sa suweldo sa loob ng 30 araw.
Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni pangulong arroyo na binigyan nito ng 30 araw ang regional wage board para maglabas ng desisyon sa wage increase.
Unang ginawa ng pangulong gma ang pahayag matapos atasan ang mga regional wage board na madaliin ang pagpapasiya sa hinihiling na wage increase ng mga manggagawa.
Gayunman, sinabi ng pangulong arroyo na hindi naman kailangang ubusin ng wage boards ang 30-days para magpalabas ng kanilang desisyon sa umento sa sahod.
Hindi rin umaasa ang pangulong arroyo na sabay-sabay na mag-desisyon ang mga wage board sa loob ng isang buwan
Ngayong hapon, inihayag ng malakanyang na posibleng hindi lahat ay makapaglabas ng wage order sa loob ng isang buwan.

2---presyo ng petrolyo….balak na itaas ng piso bawat litro
Ito ang nais ng mga independent oil companies kaugnay ng patuloy umano nilang pagkalugi sa presyuhan sa world market.
Ayon kay rex tantiongco ng independent philippine petroleum companies association, nais nilang ipatupad ang piso per liter na taas sa presyo ng petrolyo.
Ang piso linggu-linggo sa presyo ng petrolyo ay sisimulan nang ipatupad sa susunod na linggo.
Iginigiit ng mga independeng oil companies na sila ay nalugi ng 3.50 pesos sa gasolina at dalawang piso naman sa diesel.

3---kaso laban kay general abat…pinag-aaralan na
Pinag-aaralan na ng pamahalaang arroyo ang paghaharap ng kaukulang kaso laban sa kaalyad ni dating pangulong fidel ramos na si ret. Maj. Gen. Fortunato abat.
Ayon kay dilg sec. Angelo reyes, kumikilos na ang dept. Of justice para suriing mabuti ang mga binitiwang pagbabanta ni gen. Abat laban sa administrasyon.
Sinabi ni sec. Reyes na malaki ang posibilidad na maharap si gen. Abat sa kasong sedition kung mapapatunayan ito ng d-o-j.
Samantala, pinawi naman ni sec. Reyes ang pangamba ng publiko na magtatagumpay ang anumang tangkang kudeta laban sa pamahalaang arroyo.
Ayon kay reyes, maaari ng makatulog ng mahimbing ang taumbayan at naniniwala siyang hindi susuportahan ng publiko ang mga grupong may maitim na balak sa gubyerno.

4—ingat sa pagkain! 19 katao…nalason sa lechon baboy sa danao city
Nalason ang labing-siyam na katao matapos kumain ng lechon baboy sa danao city, cebu.
Kabilang sa mga nalason ay anim na bata.
Ang mga biktima na ginagamot ngayon sa isang pagamutan sa danao city ay nagpakita ng mga sintomas ng food poisoning, gaya g pagduduwal at pagkahilo.
Ilan sa mga biktima ay inilipat nama sa kalapit na pagamutan sa lungsod ng cebu.
Ikinatwiran ng vendor na si juanito rome na ang lechon baboy ay nabili niya sa isang barangay sa danao city, sa lalawigan ng cebu.
Samantala, pitong empleyado ng isang restaurant ang nalason sa kinain nilangadobong kangkong at pritong isda sa pasay city, kagabi.
Kinilala ang mga biktima na sina ardie corden, 24; gerena castañeda, 19; eric mayores, 28; ben villaño, 25; kenneth benvades, 24; at bernadette isla, 17 at pawang mga empleyado sa sangay ng gerry's grill restaurant sa diosdado macapagal avenue, pasay.
Ayon sa pahayag ng mga biktima sa pulisya, dalawang oras matapos silang kumain ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagduduwal.
Isinailalim na sa eksaminasyon ang natirang pagkain ng mga biktima at sa oras na mapatunayan na ito ang ugat ng pagkalason ng mga empleyado ay posible raw makasuhan ang chief cook at management ng restaurant.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?