Friday, June 24, 2005

 

Headlines: PNP Blocks Anti-GMA Rally; Govt to Avert Oil Price Hike; Text Messages Reveal Tarongoy's Ransom Pay; New Jueteng Witness Presented

Radyo Hataw Headlines/June 24, 2005

1---Anti-Gma Rally…..Naharang Ng Mga Pulis Sa Mabuhay Rotonda
nagsanib ngayon ng puwersa ang iba't-ibang grupo para sa isang malaking rally laban kay pang. arroyo.
nagtipon-tipon sa sto. domingo church sa quezon city simula pa kaninang umaga ang mga pro-fpj, mga pro-erap, mga maka-kaliwang grupo at iba pang samahang kritikal sa arroyo gov't.
kaninang pasado alas dos ng hapon, tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 30 libo ang bilang ng mga demonstrador.
gayunman, nagbigay ang mga otoridad ng sariling estimate na mula 5 hanggang 10 libo ang dami ng mga raliyista.
nang tumulak ang mga demonstrador patungo sa mabuhay rotonda, tinatayang limang kilometrong bahagi ng quezon avenue ang okupado ng mga raliyista.
habang nagiipon-ipon sa simbahan at nang magsimula ang martsa, paulit-ulit na pinaririnig ang 'hello garci' cd sa pamamagitan ng malalakas na sound system.
nagdulot naman ng matinding problema sa daloy ng trapiko sa area ng maynila at quezon city ang malaking rally laban kay gma.
hinarang ng mga pulis ang libo-libong demonstrador pagdating ng martsa sa mabuhay rotonda dakong alas tres kanina.


2---Pagtaas Ng Presyo Ng Langis….Pilit Daw Hahadlangan Ng Gobyerno
iginiit ni pang. arroyo sa mga lider ng ibang bansa na hadlangan ang pagkasira ng ekonomiya dahil sa mataas na presyo ng langis.
sa kanyang talumpati sa westin phil. plaza kanina, sinabi ng pangulo na kailangan nang kumilos ang pamahalaan upang maiwasan ang mas malaki pang problemang idudulot ng mahal na presyo ng krudo.
nagbabanta umano ng panganib sa ekonomiya ng buong mundo ang walang tigil na pagtaas ng halaga ng petrolyo sa world market na may malaking epekto naman sa lokal na pamilihan.
ginagawa na rin umano ng dep't. of energy ang lahat para mahadlangan o kaya'y mabawasan ang malaking impact nito sa mga motorista.


3---Pagbabayad Ng Ransom Para Kay Robert Tarongoy…Kumalat Sa Mga Text Messages
biglang kumalat ang mga text message na tinubos umano ng pamahalaan si robert tarongoy bilang panakip sa isyung kinakaharap ni pangulong gloria macapagal arroyo.
ayon sa mga text messages na naglipana sa iba't-ibang cellphone, si bong pineda umano ang naglabas ng 10 milyong dolyar na ibinayad para sa kalayaan ni tarongoy.
batay rin sa mga text, tumulong si amable aguiluz sa pagdadala ng perang ransom ni tarongoy sa baghdad.
si aguiluz umano at si pineda ay mga malapit na kaibigan ni first gentleman mike arroyo para mapagtakpan ang isyu ng jueteng gate scandal at gloria-gate cd's.



4---Bagong Witness Sa Jueteng Scandal…Iniharap Ni Bishop Cruz
iniharap ngayon ni lingayen-dagupan archbishop oscar cruz sa senado ang bago niyang testigo sa jueteng.
ang bagong witness na si atty. antonio batacan ay empleyado ng prov'l. capitol ng camarines sur at nagsilbi ring konsehal.
kabisado umano ni batacan ang pasikut-sikot ng jueteng sa lalawigan ng camarines sur at kilala niya ang malalaking tao sa lalawigan na sangkot dito.
pinatotohanan lahat ni batacan ang mga testimonya nina wilfredo mayor alyas 'boy bikol' at richard garcia na una nang iniharap sa senado bilang jueteng witness.
ibinulgar nina mayor at garcia na tumatanggap ng jueteng payola sina pres'l. son at pampanga rep. mikey arroyo at pres'l. brother-in-law negros rep. ignacio arroyo.
una nang inihayag ni cruz na may panibagong bombang pasasabugin ang pang-limang testigo na posibleng magturo sa mas mataas na opisyal ng gobyerno na nakikinabang sa jueteng.
Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?